Chapter 7: Transferees

133 37 0
                                    

POV: PROMISE

Ilang Linggo na ang lumipas matapos ang debut ko. Hindi parin ako makaget-over sa nangyari kay Ralph. Sino ba naman makakalimot agad noon, akala ko kung ano na natatae lang pala. "Chicken Wings pa more."

Lately ay ang bait nila sa akin ni Vince. Madalas akala mo ay nakikipag- kumpetensya sa isat-isa. Tulad noong nakaraang araw na nasa park kami. Kinakantahan ako ni Vince at sinabayan ko pa ito nang biglang sumabay si Ralph at pati kami ni Vince nadala niya sa tono, lahat kami nawala sa tono. Napatawa pa yung ibang nadaan sa lakas ng boses ni Ralph. Kumulog pa nga noon kaya biglang umulan at umuwi nalang kami.

Ang aga ko nagising ngayon. Agad ko tiningnan ang cp ko nang may nagnotify.

"Wow aga mag stream ah." Comment ko sa live ni Ralph also known on his page as Cutie.

"Yeah aga nga, tingnan ninyo guys si Vince naghihilik pa." Sabay tapat niya nang camera kay Vince unti unting dumilat at nanlaki ang mga mata nang marealize na nakatapat ang camera sa kanya.

"Hayop ka Ralph aga-aga!" Inis na sigaw ni Vince kay Cutie.

"Shhhhh. Easy, nakalive ako HAHAHAHA." Pang aasar ni Ralph.

"Hi shout out sa lahat, Woke up like this." Lapit ni Vince sa camera at flex nang bagong gising nyang mukha. "Ano okay ba Ralph? Tsk!"

"May muta ka pa Vince HAHAHA." Comment ko na binasa nang malakas ni Cutie at pinarinig pa pangalan ko. Kaya naman napasilip si Vince sa comment section at hinanap ako doon.

"Shit si Promise!" Sabi niya sabay alis bigla sa live at nagtago.

"Hoy Ralph ang bully mo." Comment ko.

"So what?" Sabi ni Ralph.

Ah ganun ha.

Nagcomment ako nang emoji na poop.💩 Tapos bigla nalang siya nag end live pagkakita niya. HAHAHAHA. 'yan sige, ano ka ngayon .Nag ayos naman na ako para pumasok sa school.

Ngayon ay mag-isa lang ako na tinatahak ang hallway. Wala lang, iniwan ko kasi si Ralph at Vince sa room dahil nagtatalo kung sino sasama sa akin eh dati naman pareho sila. Naweweirduhan na nga ako.

"Ouch! Ano ba 'yan, bulag ka ba?" Singhal sa akin ng isang babae na naiiba ang uniform. Ano 'to naliligaw ng school?

"Ah pasensya ka na, pero ikaw naman tong hindi nakatingin sa daan. Palingon lingon ka kasi sa kung saan riyan." Syempre tinarayan ko rin. Papatalo ba naman ang bida ninyo.

"Hey Christine bakit mo'ko iniwan, sabi na at sabay tayo eh." Habol noong isa sa kanya na kapareho niya ng uniform.

"Ang bagal mo kasi tapos may paharang harang pa. Tara na nga lang Abi. Nakakasira ng araw." Sabi noong Christine at binangga ako bago lampasan.

"Omggggg!!! Diba si Cutie 'yun? Yung streamer?" Narinig kong tili ni Abi bago tumakbo papunta sa direksyon ni Ralph.

Ayan susunod pa kasi, Dale ka ngayon sa fans mo nakapasok na sa school. Isip-isip ko bago dumiretso na sa water dispenser dahil kanina pa ako nauuhaw.

"Ehe-ehemmm!" Nasamid ako nang makita ko si Ralph na nasa harapan ko na.

"Ka-kanina ka pa riyan?" Nasasamid samid parin na tanong ko.

"Sakto lang." Sabi n'ya at kumuha naglagay narin ng water sa tumbler n'ya. Sabay na kami ngayong naglalakad pabalik sa room.

"Kamusta pala, ano sabi ng mga fans mo?" Tanong ko.

"Ah wala nagpakilala lang, sila pala yung admin sa fanpage na ginawa nila para sa akin. Tapos may tinanong lang."

"Ahhh, so nakabalik na sila sa school nila? Dumayo lang sila para roon?" Tanong ko pa na sinagot niya lang nang inginuso niya ang dalawang babae na nakaupo pagpasok namin sa room.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now