Chapter 10: Carousel and Regrets

114 31 5
                                    

POV: PROMISE

"Buyset ka Ralph Jacobbbbb!!!."Inis na sigaw ko. Hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakalabas sa haunted house na ito. Naiwan kami dahil napahiwalay noong umiba ng direksyon si Ralph dahil sa gulat niya sa pugot ulo na pari.

Yabang yabang sa GOMBURZA lang pala takot.

"Sinasabi ko talaga sa'yo ha, pag ako hindi nakalabas dito ng buhay ikaw una kong mumultuhin."

"Sus magmumulto eh takot naman sa multo."

"Alam mo Ralph bilisan mo nalang pagod na ako kaiikot."

"Wow! Talaga ba Promise? Eh kung bumaba ka na kaya at ang bigat bigat mo para mapabilis?"

"Duhhhh, diet na ako no, napaka mo talaga." Inis na maktol ko.

Tumaba ba ako? Shet Kailangan ko na ba magdiet talaga? Huhu

"Ayun, Kita ko na yung labas." Sabi ni Ralph at tinungo na iyon.

"Grabe sakit ng balikat ko sa'yo, ang bigat mo."

"Ewan ko sa'yo!." Sabi ko at sabay lakad. Lakad dito at kung saan pero hindi ko na mahagilap kung nasaan ang iba pa.

"So ano, uubusin nalang ba natin oras kakahanap sa kanila? Tara na kasi sa mga rides baka makabungguan lang natin mga 'yun dun." Reklamo ni Ralph

"Sa bagay, pero san tayo sasakay? Huli na natin Ferris Wheel ha maganda roon habang may fireworks." Excited na sabi ko.

"Tara sa Extreme Tower." Sabi ni Ralph sabay hila sa akin.

"Hala ayoko dun, sa Carousel nalangggggg!!!!"

"Sama sama ka dito ang matatakutin mo naman pala."

"Paki mo ba, eh libre to HAHAHAHA." Sabay hila ko sa kamay ni Ralph papunta sa Carousel.

"Pangbata lang naman to. Ikaw nalang sumakay antayin nalang kita." Walang interes na sabi ni Ralph.

"Okay! Arte mo." Sabi ko at excited na sumakay sa Carousel.

"Okay ka lang?" May lalaki na humawak sa braso ko dahil pagsakay ko sa kabayo ay muntik na ako ma-out of balance.

"Okay Lang, salamat" sabay ngiti ko.

Ehe may prince charming akong nahanap haha.

"Okay lang ba kung dito nalang ako sa tapat mo? Wala ka naman yata ibang kasama?" Tanong niya, choosy pa ba ako gora naaaa.

Sasagot na sana ako pero biglang dumating si Ralph.

"Dito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Excuse me, kasama niya ako." Sabi ni Ralph sabay upo roon sa katabi na kabayo.

Kanina pa hinahanap eh siya tong ayaw sumakay kanina.

"Huh? Eh diba--

"Anything else?" Putol ni Ralph sa sasabihin ko at nakaharap siya kay Prince charming habang nakataas ang isang kilay.

"Sorry bro, I thought she's alone."

"Yeah she's with me." Sabi ni Ralph at iiling iling na umalis yung prince charming ko na sana huhu.

"Alam mo ang epal mo, 'yun na 'yun eh, siya na sana kasama ko mamaya sa Ferris wheel tapos nonood fireworks yieeeee,with my Prince Charming." Reklamo ko.

"Tss, Ang corny mo, ni hindi mo nga kilala yung tao."

"Aba, Ang Romantic kaya."

"Mas romantic kapag ako kasama mo."bulong ni Ralph. Pero hindi ko masyado naintindihan.

Chasing Promises (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon