Chapter 38: Promise 1 - Amusement Park

42 11 0
                                    

POV: PROMISE

One week ko na rito kila Emerald at sa araw araw na pag-iwas ni Ralph ay sige naman ang buntot ko. Araw-araw sinasabayan mag-jogging at ako na rin ang nagluluto ng almusal namin dahil wala parin sila Tita.

"Tulungan na kita magluto." Sabi ni Aqua na kalalabas lang ng kwarto n'ya.

"Ah sige, hiwain ko lang itong sibuyas." Sabi ko at dahil sa mapurol na ang kutsilyo na nagamit ko ay talaga namang umabot ang amino acid sa mata ko kaya naluluha ako habang naghihiwa. Nanlabo pa ang paningin ko dahil rito.

"Ouch!" Sa kawalang ingat ko ay nahiwa ako buti nga at mapurol pero dumugo parin ito."

"Promise! Patingin?" Lumapit agad sa akin si Aqua at hinawakan ang kamay ko para sipatin ang sugat.

"Maliit lang pero malalim. Kunin ko lang yung gamot wait." Sabi ni Aqua at tumango nalang ako.

Ang hapdi namannnnn. Pinisil ko ang daliri ko at sa hapdi ay isinubo ko iyon at sinipsip. Sayang dugo ko, ibalik natin.

"What are you doing?" Kunot noong tanong sa akin ni Ralph. Agad kong hinugot ang daliri ko na kagat kagat ko para pigilan ang hapdi.

"Oh! nasugatan." Sabi ko at inilapit sa mukha n'ya ang hintuturo ko para makita n'ya na nahiwa ako.

"Eww! Ilayo mo nga 'yan! So gross!" Sabi ni Ralph na napaatras. Napa-twitch naman ako bigla ng labi ko sa arte ni Ralph. Hangang ngayon , parang virus parin ako na nilalayuan n'ya at pilit iniiwasan.

"Promise we don't have bandaid na, Bili lang ako sa labas." Sabi ni Aqua na kababalik lang dahil natagalan yata sa paghahanap.

"Ah hindi na, ako nalang ang bibili." Sabi ko at pumunta sa kwarto para kunin ang wallet ko. Palabas na ako noong hatakin ako ni Ralph.

"Nakapangtulog ka pa." Sabi nito at namula naman ako sa hiya. Shit! At Wala akong bra! Nagmamadali akong tumakbo sa kwarto at nagbihis.

"Aqua ikaw na muna magluto ha, labas lang ako, pakisabi nalang rin kay Emerald paggising at baka hanapin ako." Sabi ko at tumango naman si Aqua.

Naglalakad na ako nang mapansin na parang may nakasunod sa akin. Malayo rin ang bilihan rito sa Luckswell tower pero naglakad lang ako dahil gusto ko rin maglakad-lakad lang at lumanghap ng sariwang hangin. Huminto ako sa paglalakad at may nakabuntot nga sa akin.

"Himala, ako laging nabuntot sa'yo ngayon ikaw naman. Nakakaalala ka na ba?" Diretsong tanong ko kay Ralph.

"Yap! At Wala ka sa ala-alang 'yun." Sabi n'ya. Inirapan ko naman ito sa sobrang inis. Kung hindi ko lang s'ya mahal ay hindi ako magtitiis.

"Tabi!" Sabi ni Ralph sabay hila sa akin. May itim na kotse kasi na dumaan at mabilis ang takbo. Buti at nahila ako ni Ralph kung hindi ay baka nahagip ako. Bigla kong naalala ang pangyayari noong nabunggo si Abi, na ikinamatay n'ya...Nanlamig ako at nanlambot ang mga tuhod.

"Promise!" Tawag ni Ralph sa akin dahil tuluyan na akong napaupo. Nakatulala ako at unti-unting tumulo ang mga luha.

"Si Abi! Si Abi..." Sambit ko at iyak na nang iyak nang bigla akong yakapin nang mahigpit ni Ralph. Hinimas himas n'ya ang likod ko hanggang sa kumalma.

"Shhh, I don't know kung anong pinagdaraanan mo pero sana maging maayos na ang lahat." Sabi ni Ralph. Inalalayan n'ya akong tumayo at sinamahan na bumili sa butika. Pauwi na kami at tahimik pareho. Walang nagsasalita.

"Beeeeeeep!!!" Isang malakas na busina ang bumasag sa katahimikan.

"Ralph! Kanina pa kita inaantay sa restaurant, diba may date tayo?"

Chasing Promises (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt