Chapter 8: Nightmare

120 34 6
                                    

POV: RALPH

"Ralphhhhh!!! Ikaw nagtago ng mga uniforms namin??? Bakit???" Gulat na gulat na tanong ni Promise sa akin.

"A-ano kasi..." Mautal utal na pag-iisip ko ng dahilan.

Aaminin ko na ba?

Sasabihin ko ba na nagseselos ako sa kanila ni Vince?

Paano kung tanungin n'ya ako kung bakit?

Hindi pa ako sigurado sa feelings ko.

I don't want to hurt her but it stung the hell out of me when Vince is expressing his feelings for Promise.

Flashback***

Habang nakain sa Cafeteria ay nag-paalam ako na pupunta muna sa restroom. Inis na inis ako noong pinahiram ni Vince si Promise ng jacket niya samantalang ako ay walang nagawa kundi lumamon nalang ng paborito kong chicken wings.

Andito ako ngayon sa locker room. Sinubukan kong buksan ang mga locker ng girls. Luckily ay pare-pareho silang Birthday ang password samantalang si Promise naman ay date kung kailan kami unang nagkakilala, which is May 8, 2006.

Para maging patas kami ni Vince ay Oo, naisip ko ang kalokohang ito na ipagtatago ang mga extra shirts and uniforms nila para yung shirt ko ang gamitin ni Promise. Syempre hindi papatalo ang Cutie ninyo kay Vince no. Kaya kahit kinakabahan ay tuloy ang plano. Nagulat ako nang may marinig na padating sa locker room. Agad naman ako nagtago.

"Hey Cutie! Narito kaba? Akala ko ba sa restroom ka pupunta?" Sumilip ako at nakita si Abi na halatang nakavideo ang phone.

Jusko naman Abi wag ngayon. Sarap talaga kalbuhin neto eh.

"Baka namalikmata ka lang, tara na Abi baka nakabalik nay un." Sabi ni Christine kaya umalis nalang sila pero si Abi ay palingon lingon parin.

Muntik na ako doon ah.

Bumalik naman na agad ako sa Cafeteria at dumaan sa shortcut para mauna kila Abi at Christine. Sobra akong kinabahan sa ginawa kong iyon.

Noong nasa locker room kami ay mga namomoroblema na dahil nawawala nga ang mga extra clothes nila. Wala silang kamalay malay na ako yung dagang tumangay ng mga iyon. Sobrang natuwa naman ako dahil nakita ko si Promise na suot na ang shirt ko. Isasauli na sana niya kay Vince yung jacket pero kinuha ko iyon. Hindi naman ako papayag na gamitin nalang basta ni Vince yung nasuot na ni Promise. Kaya ayun, ako ang nagsuot.

End of Flashback***

"Ano na Ralph huyyyy, sumagot ka at naiinis na ako sa'yo." Naiinip na sabi ni Promise.

"Oo na nga ako na kumuha. Sorry na okay?" Sagot ko naman at umiwas ng tingin.

"Bakit mo ginawa 'yun? Para T-shirt mo suotin ko? Teka, nagseselos ka ba kay Vince? Pati jacket na hiniram ko ikaw nagsuot at ayaw mo ipasuot kay Vince. MAY GUSTO KA BA SA AKIN?" Sunod sunod na tanong ni Promise.

"HAHAHAHHAHA!" It's a prankkkkkkk!!!!!" Malakas na tawa ko. Si Promise naman ay parang naguguluhan na ewan at nakatingin lang sa akin habang tumatawa parin ako.

"A-anong prank pinagsasabi mo riyan?" Nalilitong tanong ni Promise.

"Sinadya ko nga na itago yung mga extra clothes nila para shirt ko suutin mo."

"And where's the prank there?"

"Yang damit ko na suot mo ay one week na sa locker na hindi labado. Ginamit ko 'yan nung PE time pa HAHAHHAHA, bango ba? Hindi halata na gamit ko na? HAHAHAHHAHAHA!." Sabi ko na sana ay makalusot. Ang totoo ay kahapon ko lang 'yun nilagay sa locker ko at malinis talaga 'yun.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now