Chapter 36: Deminticare

53 12 0
                                    

POV: PROMISE

"Maya? yeah I guess before? But I am now Scarlett Maria." Sabi ni Maya sa akin at ngumiti.

"What? S-Scarlett?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Let me tell you something, Ralph will not remember any of you anymore. I already manipulated his memories. Wala ka ng Ralph Promise. Wala na." I was stunned for what Maya said.

"Let's go Scarlett." Tawag sa kanya ni Ralph.

"Bye sweetie." Sabi n'ya at pumasok na sa van kung saan nag-aantay si Ralph sa kanya.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Noong matauhan ay hahabulin ko sana ang van pero napatigil ako sa tatak na nakita ko. Kaparehong kapareho ng tatak ng mga nagtangka sa aming buhay noon at lalo na noong bumundol kay Abi.

Sumiklab ang nararamdaman ko na galit. Mukhang alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat. Si Maya...s'ya ang nagtangka sa buhay ko at dahilan ng pagkamatay ni Abi. Si Ralph hindi malinaw ang buong nangyayari pero kagaya ng sinabi ni Maya, hindi ako nakikila ni Ralph. Magbabayad ka Maya...magbabayad ka. Naikuyom ko ang kamao ko at pumatak ang luha. Hindi ko mapigilan ang pagsidhi ng galit na namumuo sa aking dibdib.

"Promise!" Tawag ni Hazel at Grey na papalapit sa akin. Nakatanaw rin sila sa sasakyan na umalis. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang sinuri ako ni Hazel. Sabi na nga ba, may nalalaman s'ya, sila...

"Alam mo ang lahat Grey tama? Kaya mo ako pinag-iingat ay ayaw sabiin ang location ni Ralph dahil kay Maya. Ikaw rin ang spy n'ya sa amin noon kaya ka nagtransfer, ikaw ang dahilan kung bakit nagagawa kaming sundan ni Maya. Ikaw!" Galit na sigaw ko kay Grey. Napayuko naman ito.

"At ikaw Hazel...kaibigan mo kami, alam mo rin diba? Nalaman mo mula kay Grey pero hindi ka nagsalita, hindi ka nagsabi. Akala ko mga kaibigan ko kayo pero..." Tuloy tuloy na bumuhos ang luha ko ko habang unti unting lumilinaw ang lahat.

"So-sorry Promise...Nangako kami ni Grey kay Ralph na huwag nang sabihin sa'yo dahil ayaw ka n'yang madamay." Sabi ni Grey.

"Umiling-iling ako hindi makapaniwala." Tell me everything. Lahat-lahat ng nalalaman mo.

Flashback (Grey's POV)

Bago isurpresa ni Ralph si Promise at magconfess rito ay nalaman ko na member rin ng board ang Daddy ni Ralph. Si Roland Perez, isa s'ya sa kasama ng daddy ko sa lab na nag-eexperiment ng ibat ibang chemical na maaring magamit ng Wings Mafia Org. Madaling araw noong isinama ako ng daddy ni Ralph para sunduin ito. Lumapit kasi ako at humingi ng tulong kay Tito Roland tungkol sa kalagayan ng ama ko at isa s'ya sa naniniwalang walang kasalanan ang daddy ko sa pagkamatay ng Wings Mafia King at pagkawala ni Bridgette Yvonne.

Nag-usap kami kung paano makakakuha ng ebisdensya laban kay Maya para ipakita sa board. Napagdesisyunan na pumunta si Ralph agad sa Manila. Ang totoo ay magaling na ang mommy nito pero ngayon ay lalayo lamang para sa ikabubuti ni Promise at para humanap ng ipanglalaban na ebisdensya kay Maya. Nagbabakasyon ako sa probinsya noon, nagagawa ng research paper at inaalagaan ang daddy ko. Matapos ang nagyari kay Abi ay pinakawalan na rin ni Maya ang daddy ko dahil nasa Manila naman na daw si Ralph at s'ya na ang bahala kumilos. Pumunta naman kami ng Daddy ko sa Manila para mas mapabuti ang gamutan n'ya. Nagkita kami ni Ralph sa mall at sinabi na huwag ko nang sabihin kay Promise kung nasaan s'ya dahil mapapahamak lamang ito. Habang nasa mall ay nandoon rin pala si Hazel. Narinig n'ya ang pag-uusap namin ni Ralph and Ralph also beg to her na huwag na ipalaam muna kay Promise ang lahat. Umalis na si Ralph at naiwan kami ni Hazel.

Napapalapit na ang loob ko kay Hazel. Madalas kasi ako nitong kinakamusta, she's always there na nasasandalan ko at nag-aalala kahit walang alam sa nangyayari pero ngayong alam n'ya na, baka sisihin n'ya ako sa pagkamatay ni Abi.

Chasing Promises (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon