Chapter 29 : Takbo!

72 14 4
                                    

Third Person's POV

"Pakawalan mo ako rito!"

"Hindi pwede, sagabal ka sa mga plano ko!"

Sagutan ng dalawang babae. Umiiyak na nagmamakaawa ang isa habang nakakulong at nakabitin ang mga kamay sa kisame na nakatali ng lubid.

"Yo-you killed our fa-father...," Humihikbing sabi ng babaeng nakakulong. Bakas sa katawan nito ang mga latay ng latigo, paso ng sigarilyo at palaro-larong hiwa ng patalim. "Pa-patayin mo na-nalang rin a-a-k-ko... "

"Tigilan mo ako ng drama mo Bridgette Yvonne, hindi mo ako makukuha sa ganyan. Maghirap ka muna bago ka mamatay! HAHAHAHAHA!!!" Malademonyong sabi ng babae saka dinampot ang isang baseball bat sa gilid.

"Buksan n'yo ang kulungan!" Utos ng babae. "Makakatikim ka sa akin ngayon Bridgette. AHAHAHA!!!" Pagalit na sabi nito sabay tawa.

Bridgette Yvonne ang codename ng babae under Mafia Wings Org. Kitang kita ang takot sa mga mata nito habang bumubuhos ang luha at hindi makapaniwala sa ginagawa ng taong kaharap n'ya ngayon. Ang taong sobrang lapit sa kanya noon ay siyang nagpapahirap sa kanya ngayon.

"WAGGGG!!!! --- A-RAYYY!!! Ta-ta-maa n-na pa-pa-rang awa m-mo na---

"AHHHHH!!!!" Walang tigil na sigaw at pagmamakaawa nito habang damang dama ang bawat patama ng bat sa katawan n'ya. Naghahalo ang hikbi, sigaw at sakit sa boses nito. Hindi malaman kung saan mamimilipit dahil sa sakit ng kada palo. Tumutulo ang luha, pawis at dugo.

"Kulang pa 'yan sa mga pakikialam mo sa akin! Paki-alamera!"

BANG!!!

Umalingawngaw ang putok ng baril sa lugar na iyon. Mula sa pagkakatali ay natanggal ito ni Bridgette Yvonne at inagaw ang baril ng isa sa mga bantay. Sa kasamaang palad... sa sarili n'ya ipinutok ang baril upang kailan man ay hindi na magkaroon pa ng latay...

"Peste! Bakit ka nagpakamatay? Hindi pa ako tapos makipaglaro. Ba-ba-k-kit?" Sabi ng babae habang inaalog-alog ang katawan ng wala nang malay na biktima. Umiyak ito at nailing-iling na niyuyugyog ang balikat ni Bridgette. Maya maya ay tumayo ito na parang walang nangyari.

"Boring. Itapon n'yo na ang bangkay!." Utos nito at umarteng nagpupunas ng luha habang nakangiti.

"Ano pa hinihintay ninyo? KILOS!" Sigaw nito.

"Si-sige po madam." Sabi ng tauhan at dali-daling binuhat ang katawan ni Bridgette. Nilagay nila ito sa isang kariton bago tinulak para itapon na sa malayong lugar.

"Sayang, hindi ko pa nga naiitodo ang hampas ko..." Bago pinunasan ang mga tilamsik ng dugo sa kamay n'ya at mga braso. Dinilaan pa nito ang kaunting tumalsik sa kanyang labi. Isa s'yang halimaw na nagkukubli sa inosenteng mukha. Mukhang mahina pero sagad pa sa nakakabahala.

POV: PROMISE

Narito kami sa bus ngayon dahil mayroon kaming outing. S'yempre tabi kami ni Ralph.

"Hindi na ba talaga kayo mapaghihiwalay?" Biro sa amin ni Hazel habang umaakyat sa bus bitbit ang bagahe n'ya.

"Neverrrrr." Sabi ko sabay yakap sa braso ni Ralph.

"Huyy! 2 days and 1 night lang tayo roon, bakit ang dami mong bitbit?" Tanong ni Christine kay Vince.

"Ahhhh, konti lang sa akin rito pero may mga dala ako na baka kailangan ni Abi." Sabi ni Vince sabay kindat kay Abi na akala mo ay nandidiri na makita si Vince. Nagkanda hahaba naman ang nguso ni Vince dahil naunahan siya ni Grey. Katabi ito ni Abi.

Nakatulog ako sa byahe habang nakasandal kay Ralph. Maya maya ay tinapik ako nito.

"Tulo laway mo."

Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kanya. Ang lapit lapit ng mukha n'ya sa akin habang tinititigan ako tapos yung sasabihin lang tulo laway ako?

"Haha, Just kidding. Narito na tayo." Sabi ni Ralph at itinuro sa labas ng bintana ang beach.

"Wowwww ang gandaaa." Excited na sabi ko."

"May sunblock ako rito, gusto n'yo?" Tanong naman ni Rubie.

"Sureeee" sabi ni Vince. "Ayyy, may dala pala ako for Abi, ako na rin maglalagay hahaha." Tawa nito na binato ni Abi ng minera bottle na may laman pa.

"Abi naman, alam na alam na uhaw na uhaw ako sa pagmamahal n'ya yieeee." Nagtawanan naman kami at iiling-iling nalang habang nagsisibaan ng gamit.

"Ralph pakiabot naman nung tripod oh , set up ko lang yung camera at mag-timelaps ako habang nagte-tent pitching." Sabi ni Hazel.

"Here."

"Thank you!" Sabi ni Hazel at saka hinila na si Rubie para magtayo ng tent.

"Christine mag-iihaw ka na ba?"

"Oo Promise bale marinate ko lang konti kaso wala pa pala tayong panggatong."

"Ahhh, sige kami na bahala ni Abi diba Abi?." Sabi ko sabay kindat kasi marami s'ya dapat ikuwento.

"Ah- Oo kami nalang." Sabi ni Abi.

"Oh paano, mga boys, kayo na bahala sa tent ha." Sabi ko at tumango si Ralph.

"Sama akoooo." Sabi ni Vince.

"Hindi pwede!" Sabi ni Abi na pinandilatan s'ya.

"Ahahaha, easy Abi yung puso mo." Pang-aasar ko rito.

"Ako pwede?" Tanong ni Grey na inirapan naming dalawa sabay buntong hininga.

"Hmmpp!!! Tara na Abi." Sabi ko at hinila na si Abi.

"Ah Promise--"

Sabay kaming lumingon ni Abi. "Ano sama karin?" Sabay naming tanong.

"Ah-hindi, Huwag kayo masyadong lumayo, ingat kayo." Sabi ni Ralph na nagpakamot sa batok.

Tinawanan naman s'ya ni Vince at tiningnan n'ya ito ng masama bago inihagis yung sapin sa tent.

"Ang konti pa nitong panggatong. Kakasya kaya ito? Tingin mo Promise?"

"Ahmmm, pwede naman tayo maglakad-lakad pa banda roon." Sabay turo sa may malalaking puno.

"Ah ok mukhang maraming panggatong roon."

"Tama na ito Abi, hindi na natin mabibitbit ang iba oh haha."

"Tulong kailangan n'yo?" Bigla na lamang may isang lalaki na lumapit. Maya maya pa ay lima na silang nakapalibot sa amin ni Abi.

"Ah-hindi na po, salamat nalang." Lalampasan na sana namin sila ng itulak kami pabalik.

"Ano pong kailangan nila?" Tanong ko na nagpapanic na. Itsura palang nila ay hindi na katiwa-tiwala. Nakasuot sila ng all black at may tatak na wings sa bandang balikat. At sino namang gagala sa beach ng naka-maskara at long sleeve?

May tinapon sila na litrato.

"Yung Promise, ikaw tama?" Sabi noong isa pero hindi ako sumagot.

Paano nila nalaman ang pangalan ko? Bakit meron sila ng litrato ko?

"Ang utos ni madam dalhin sa kanya nang buhay itong Promise. Iyang extra pwede muna natin paglaruan." Sabi pa ng lalaki sabay tawa.

"Abi... Pagkabilang ko ng tatlo takbo." Bulong ko rito dahil natutulala nalang si Abi.

Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Isa, dalawa, tatlo!" Sabi ko at saka hinatak si Abi habang hawak sa kabilang kamay ang isang kahoy na pinanghampas ko sa nakaharang.

"Habulin sila!!!Mga gunggong!"

"Promise, na-natatakot ako." Sabi ni Abi na naiiyak na.

"Shhh, huwag kang matakot andito lang ako okay? Saktan muna nila ako bago ikaw." Yakap-yakap ko si Abi habang nagtatago kami sa isang malaking puno.

"Hindi pa nakakalayo ang mga iyon."

May ahas!

-Pencilinfinity8-

Kindly vote Infinities! Mwahhh!

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now