Chapter 40: Promise 4 & 5

47 10 0
                                    

POV: PROMISE

Maaga akong nagising at inaasahan ko na lalala ang paso ko sa braso pero sa halip ay naibsan na ang sakit nito at hindi na ganoon namumula. Inamoy ko ito at amoy ointment. Nilagyan siguro ni Emerald, s'ya lang naman ang napasok sa kwarto ko.

Paglabas ko sa may kusina ay naroon na silang lahat. Si Ralph ay tinutulungan na maghain ng almusal si Tita Mariz, ang mommy n'ya.

"Wow Tita ang bango naman n'yan." Dadampot na sana ako noong sliced omelette nang hawakan ni Tita ang kamay ko.

"Napaano ang braso mo? Bakit namumula?" Seryosong tanong sa akin ni Tita. Napatingin ako kay Ralph at sumunod naman nang tingin si Tita.

"Ah wala po, aksidente lang na natapunan noong lugaw na niluto ko." Sabi ko habang nakatingin parin kay Ralph.

"Bakit ka naman kasi nagluto ng lugaw?" Tanong ni Emerald.

"Ah kasi nagkalagnat si Ralph kahapon, dahil siguro nasobrahan ng babad sa tubig pag-snorkeling."

"Lagyan natin ng ointment." Hinila ako ni Aqua at sinipat ang napaso kong balat.

"Nalagyan ko na 'yan kagabi habang tulog s'ya, nakatulugan n'ya kasi." Biglang sabi ni Ralph. Nganga naman kaming napabaling sa kanya.

"Lagyan ulit natin, kagabi pa iyon." Sabi ni Aqua.

"The ointment can be applied only every 12 hours. 10 hours and 47 minutes palang ang nakakalipas simula noong nilagyan ko kaya hindi pa pwede." Sagot ni Ralph at pabalik balik ang tingin namin nila Tita at Emerald sa dalawa.

"Then I will apply later, after 1 hour and 13 minutes." Sagot muli ni Aqua.

"1 minute had passed already since I've said that, 1 hour and 12 minutes nalang." Sagot ni Ralph.

"Okay then." Sabi ni Aqua. "I'll apply the ointment for Promise at exact time."

"No, you don't know the exact time so it's better na ako na." Sagot ni Ralph.

"Ako nalang okay?" Singit ko sa dalawa dahil nahihilo na kami kakabaling ng tingin sa sagutan nila.

"Isa ka pa, basta ako na." Sabi sa akin ni Ralph at nagsimula nang kumain.

"I smell something fishy ah." Sabi ni Emerald at nagtanguan sila ni Tita Mariz.

Wait, so si Ralph yung gumamot sa akin sa kwarto? Hindi si Emerald? So hindi panaginip yung may bumulong sa akin ng sorry? Si Ralph ba iyon?

I hope he'll still realized his feelings for me kahit na hindi parin s'ya nakakaalala.

"S'ya nga pala Ralph, samahan mo si Promise sa bahay natin dati, may ipapakuha lang ako."

"Bakit hindi nalang ako mag-isa utusan mo mommy?"

"Kung ayaw mo ako nalang, ako na rin maglalagay ng ointment." Sabi ni Aqua.

Juskooo, Hindi parin sila nakakamove-on sa ointment.

"Manahimik ka rito sa bahay Aqua, may live ako mamaya ikaw sumalo, bihis lang ako." Sabi ni Ralph at tumayo na sa hapagkainan.

Itinext ko naman sila Hazel, Grey at Vince na samahan kami dahil malapit lang naman sila roon.

"Narito na tayo." Sabi sa akin ni Ralph at bumaba na ako sa kotse.

"Parang haunted house na itong bahay n'yo ah, Isang taon palang noong umalis kayo rito." Sabi ko dahil ang sukal na sa bandang labas ng bahay nila at kinain na ng damo ang gate. Malaki ang bahay nila, 'yun nga lang ay walang nakatira.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now