Chapter 27: Eclipse: Super Blood Moon

73 16 0
                                    

POV: PROMISE

Nagsimula na ang bagong school year. Third year na kami and still pakipot parin si Abi kay Vince although that day na sinabi ni Vince na paano kung gusto pala talaga s'ya nito ay kilig na kilig si Abi na tumawag sa akin kahit na hindi parin s'ya ganoon kasigurado. Hating gabi pa talaga tumawag para lang ikuwento ang nangyari sa locker room.

Ako naman s'yempre papahirapan ko rin muna si Ralph no. Sakit kaya noong ginawa n'ya sa akin. Aminado naman ako, my heart still belongs to him pero s'yempre dapat sure na rin ako na he's into me. Mamaya sabihin nanaman n'ya na as a friend. Hindi dapat sobrang marupok okay? Kailangan rin minsan magpakipot so they will know you're worth. Atleast kung iiwanan ka lang rin after mapasagot ay napahirapan mo rin naman hahaha. Chost! Eh nahulog ng malala ayun natulala.

Same scenario every morning, maglalakad sa hallway mag-isa. Nakakapagtaka lang dahil that day na Ralph is asking me if I still like him ay araw-araw itong nag-aabang sa dorm namin tuwing morning para sumabay sa pagpasok sa school pero ngayon ay hindi ko makita ni anino n'ya na nakabuntot sa akin.

Nakasalubong ko sila Hazel, Rubie at Christine na magkakasama.

"Oh Promise, mag-isa ka yata? Nasaan na yung buntot mo? " Natatawang tanong ni Christine.

"Hindi ko nga rin alam eh." Sabi ko na palinga-linga sa paligid.

I saw someone from a far na very familiar bigla itong tumalikod at umalis. Sino nga ulit 'yun? That person looks weird, I can even feel the disturbing aura from that person walking away. Ah nevermind.

"Eh si Abi nasaan?" Tanong ko muli.

"Andon nakikipag-asaran kay Vince. Kailan kaya mapapabigay ni Vince si Abi no? Haha" Natatawang sabi ni Rubie.

Nagkatawanan naman kami matapos makita na nananakbo si Vince dahil hinahabol ni Abi ng walis.

Alam na pala ng mga kaibigan namin ang nangyari. Paanong hindi nila malalaman eh sa araw-araw ba naman na pambubulabog ni Vince kay Abi at pangungulit ni Ralph sa akin sinong hindi makakaalam? Noong una ay nainis rin sila kay Ralph at Vince. Pero ngayon, Ito at pilit na kaming shini-ship.

"Nako hanapin mo na ka-love team mo. Maunahan kayo sa paglayag ng team ABINCE ahhaha." Pang- aasar ni Hazel. Nakakatawa na s'ya ng maluwag ngayon dahil magaling na ang daddy n'ya. She's also helping her father narin sa company nila. Humingi na ng tawad sa kanya ang daddy n'ya and they're seizing every moment together. They got closer as she returned home. I'm so happy for her.

"Hey! Good morning!" Bati ni Grey na kararating lang.

Binati rin namin s'ya at dumiretso na ito kay Abi. Nakita ko na hinila ni Vince si Abi at nanakbo palayo kay Grey. Ito namang si Grey ay humabol. Parang mga bata. Lagi na rin namin si Grey nakakasama. Wala rin kasi s'yang ibang ka-closed bukod daw sa amin.

Narito na kami ngayon sa cafeteria pero lumipas ang kalahating araw ng klase ay walang paramdam si Ralph.

"Vince, nasaan ba si Ralph, bakit hindi pumasok?" Tanong ko dahil nag-aalala na ako.

"I don't know rin eh, kanina ko pa s'ya tinatawagan mula paggising ko pero hindi sinasagot. Hindi ko alam kung panaginip lang pero I saw him nung madaling araw lumabas. Sinilip ko s'ya sa may bintana and nakita ko na may sumundo sa kanyang black na kotse." Sabi ni Vince sabay punas noong bibig ni Abi na may kalat na ketsup.

"Ano ba may kamay ako." Sabi ni Abi sabay tapik sa kamay ni Vince.

"Itim na kotse? Anong tatak?" Biglang singit ni Grey habang inaabutan ng tubig si Abi.

Ibang klaseng dumamoves ang dalawang ito ah. Chismis na may kasamang landi.

"Ewan, inaantok pa ako eh basta magandang klase parang personalized yung model eh." Sabi ni Vince.

Halatang napa-isip naman si Grey. Dumampot ito ng fries at isusubo kay Abi pero hindi s'ya nakatingin at si Vince ang kumain niyon. Natauhan si Grey ng kagatin ni Vince ang daliri n'ya kaya napatingin ito.

"Sh*t! What the hell Vince? Ang baboy mo." Sabi ni Grey at dinampot ang tissue sabay punas ng daliri with alcohol.

Nagtatawanan naman sila habang ako ay hindi makatawa ng maayos dahil nag-aalala ako kay Ralph.

"Wowwww! Diring-diri 'yan?" Sabi ni Vince at nang-aasar na susubuan rin si Grey ng fries.

"Ewww, so grossss!!! Alis pala muna ako. " Sabi nito at walang lingon- lingon na tuluyan ng umalis.

"Akala mo naman infected eh, liligo ka dahil lang doon?" Pang-aasar ni Vince.

"Tigilan mo ako, bakla!" Sabi ni Grey at tuluyan ng umalis. Tinangka pa itong batuhin ng kutsara ni Vince pero hindi na umabot.

Nasaan na ba si Ralph? Ang dami kong text sa kanya pero hindi s'ya nagrereply. Sinubukan ko rin s'yang tawagan ng paulit-ulit but still, he's not answering the phone calls but it's ringing.

Oras na ngayon ng uwian, halos nagdidilim na rin. Wala paring Ralph na nagpaparamdam. Mag-isa ako ngayong naglalakad sa hallway. May kinuha kasi ako sa locker room pero hindi man lang ako sinamahan nila Abi. Aantayin nalang daw nila ako sa gate dahil tinatamad na raw sila kapapaikot-ikot sa school at lakad dito lakad doon.

Ano ba 'yan, hindi ko alam kung uulan ba or madilim lang na talaga. Maliwanag naman ang buwan dahil kabilugan ngayon at kitang kita na ito.

"Oh em jiiiiii!!!!" Napatili ako habang naglalakad. May nocturnal eclipse nga pala ngayon! Yes, I'm a certified Astrophile. I am so obsessed with moon, stars, and anything related to astronomy.

Napatigil ako as I saw the shadow of the earth slowly covering the moonlight. It was so magical. A very rare event of a super blood moon covering by earth's shadow.

"Hmmppp!!! Hmppp!!!!" Hindi na ako makasigaw. Biglang namatay ang mga ilaw sa hallway. As I'm watching the eclipse, bigla na lamang may nagtakip ng bibig ko gamit ang panyo.

Hindi ako makasigaw upang humingi ng tulong. This person is very strong and did blocked my vision by putting a box covering my head so I can't see.

It seems like I'm about to pass out already. Nakakahilo... Sino bang may galit sa akin? Katapusan ko na ba ito? Kaya ba nawawala si Ralph dahil rin ba sa taong ito? Hindi ko man lang naamin... Hanggang sa huminto ito sa paghila sa akin. When the grip was loosen ay agad kong tinanggal ang box na nakasaklob sa akin kahit na nagpapanic at hilong-hilo pa.

"Y-yo-you..."

-Pencilinfinity8-

Don't forget to vote Infinities! Mwah!

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now