Chapter 32: Swallowed by Darkness

58 11 3
                                    

Trigger Warning: From this chapter to the following chapters of this story contains and depicts; Mental Disorder, Violence, Death, Suicide and Strong used of words. Readers discretion is advised.


POV: PROMISE

After noong outing namin ay smooth naman lahat. Nag-iingat dahil sa nangyari roon na pagtatangka sa amin ng hindi mga kilalang lalaki pero mukhang maayos naman na. Narito ako ngayon sa ice cream shop dahil magkikita kami ni Abi. Hihingi raw s'ya ng advise sa akin bago magbitaw ng formal na confession n'ya for Vince. Pupunta rin dito si Vince mamaya after namin ni Abi mag-usap. Excited na ako para sa kanilang dalawa, sa wakas after facing so many obstacles and misunderstandings, sila rin pala sa huli. No more confusions. Maya maya ay biglang nag beep ang phone ko. Si Abi siguro.

From Grey: "Pp-romise? Nansaan kkha?" Text sa akin ni Grey. Anong nangyayari kay Grey bakit puro typo naman ito?

To Grey: "Narito ako sa may Icecream shop malapit sa dorm, bakit?"

Pero wala na akong nakuha na reply kay Grey. Anong nangyayari roon.

"Abi dito!" Sigaw ko at kaway ko kay Abi na papasok na sa Icecream shop.

"Wahhhhh!!! Promise, sobra akong kinakabahan. Alam ko naman na alam na ni Vince pero grabe, yung paru-paro sa tiyan ko nagwawala."

"Ano ka ba Abi, kalma ka lang, formal confession lang naman ito. The feeling is mutual naman na sa inyo." Sabi ko para pakalmahin si Abi.

"Tingin mo okay ba yung gagawin ko? I will offer him an icecream tapos habang kumakain kami saka ako magtatapat para masamid s'ya."

"AHHAHAA Gaga! Pasaway ka."

"Tapos kapag nasamid s'ya pupunasan ko yung gilid ng bibig n'ya ng tissue, unti-unting lalapit sa kanya and Mwaps! Iki-kiss ko na s'yaaaaa!!!!!!! Wahhhhh!!!"

"HAHAHA, shhh sige gawin mo gusto mo kay Vince bahala ka." Tawang-tawa na sabi ko rito. After namin mag-usap ay bumuli ako ng icecream.

"Oh ayan, tig-isa tayo habang inaantay mo si Vince." Sabi ko bago tuluyang naglakad at lumabas na sa Icecream shop. Tiningnan ko muna ang stop light bago masayang naglakad patawid sa kalsada. Nakatawid na ako nang maalala ko ang phone ko na naiwan sa mesa. Kailangan ko pa tumawid nanaman pabalik, ano ba 'yan!

(Sound of car screeching due to over speeding)

"BLAGGG!!"

POV: ABI

Ang tagal naman ni Vince. Kita mo itong si Promise makakalimutin na at naiwan ang phone n'ya. Dinampot ko naman ang phone ni Promise para ihabol sa kanya. Masaya parin ako habang enjoy na enjoy sa pagkain ng icecream na bigay ni Promise. Tumigil ako saglit at natanaw sa tawid kalsada si Promise. Ikinaway ko sa kanya ang phone n'ya na hawak ko at nakita ang stoplight. Naghuhumming pa ako sa tuwa habang natawid sa pedestrian lane. Hindi na ako makapaghintay na makita si Vince.

(Sound of car screeching due to over speeding)

"BLAGGG!!"

A deafening sounds and thuds to the stalls na mga nababangga ng itim na kotse.

Tumilapon ang ice cream na hawak ko.. kasabay nang pagkabundol sa akin. Mabilis na nag U-turn ang sasakyan na itim at agad na humarurot paalis matapos akong banggain...Hindi ko na naramdaman pa ang pagbagsak ko sa kalsada.

Unti-unting tumulo ang maiinit na luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung luha lang ba o may kasama ng dugo. Wala akong maramdaman na physical pain pero sobrang bigat ng dibdib ko, sobrang sakit na hindi ko man lang masasabi kay Vince. Hindi n'ya na maririnig... "I-I L-love you Vi-vince.." Sambit ko habang may naaninag pa ako na natakbo papalapit sa akin.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now