Chapter 19: Please Arrest Me

81 23 9
                                    

POV: PROMISE

Hindi ako makapaniwala. Bakit ganun? Okay naman kami kanina. The feeling is mutual right? Or masyado lang ako nag-assume dahil gusto ko siya?

"Pero ano tong nakasulat sa list of promises mo?" Sabi ko at bubuksan sana 'yun ng kunin niya.

"Teka ano bang problema mo?"

"I don't like you more than a friend. If you can't promise a friendship with me. Then It's better na even our friendship must end. I don't have feelings for you." Matigas na sabi ni Ralph at nag iwas ng tingin.

Unti-unting nangilid ang mga luha sa mata ko. Ramdam ko na yung mainit na luhang nadaloy sa pisngi ko. I cannot control it anymore. It seems like a dagger was stocked in my chest. The tears were making my eyes blurry. I can't clearly see his face.

"Then why did you kiss me! What's all of this!" Sabi ko at pinaghahampas siya habang umiiyak. He's averting he's gaze away from me. He can't even look at me.

"Stop it Promise. I'm sorry I can't like you back." Sabi niya pero patuloy ako sa paghampas sa kanya. Nahikbi na rin ako. Hinigit niya ako palayo sa ibang nasayaw papunta sa bandang likuran noong malaking puno.

"Do-do you love someone else?Bakit hindi pwede?" Nahikbi na tanong ko.

"Kalimutan mo na ako Promise."

"Paasa ka Ralph! Paasa ka! Paano kita kakalimutan kung araw araw kitang nakikita?"

"I'm leaving soon." Sabi ni Ralph.

"Siguro nga sawa ka na sa kakaprotekta sa akin. Kaya pala lagi mo sinasabi sa akin na hindi sa lahat ng pagkakataon kaya mo akong protektahan. Tapos you're leaving, ganon ka ba kapagod sa akin?"

Then bigla nagbeep phone niya, sinilip niya iyon at agad na tinago.

"OO! PAGOD NA PAGOD NA AKO! SO PLEASE STOP. PUNONG PUNO NA AKO!" Sigaw sa akin ni Ralph.

Natigilan ako, this is the first time na pinagtaasan niya ako ng boses. Saying cruel words that he knows might hurt me. Then suddenly reality hits me. Natauhan ako. I look miserable.

"Haha saan napunta yung hiya ko?" Patuloy na nabuhos ang luha pero nakuha pang tawanan ang sarili. After he heard my small laugh ay napatingin na siya sa akin.

"I-I'm sorry, I didn't mean to shout at you."

I can see in his eyes, naaawa lang siya sa akin. Ngumiti ako.

"Ang assuming ko no?" Nakatitig na tanong ko sa kanya. "Sorry, akala ko kasi the feeling is mutual. Friendship surprised lang pala 'yun. I'm very surprised! Wow!" Mapait na sabi ko. "Please, makakaalis ka na."

"Ihahatid na kita gabi na."

"See? Ayan ka nanaman. Don't be like that to me anymore. Just go, walk away from me." Sabi ko habang nagpupunas na ng luha. Para na akong manhid na bigla nalang nawalan ng pakiramdam. My tears already stopped.

He look at me. "Take care of yourself self." Sabi ni Ralph bago tuluyang tumalikod sa akin. I saw him walking away from me without turning his back or even just a gaze. After I can't see him anymore, I lost my balance and fell hard on the ground, but I can't feel the pain anymore. Dati kahit anong pilit ko na iwanan niya ako hindi niya ako iniiwan. Maybe I'm too demanding as a friend palang kaya napagod na rin siya.

Ang bilis naman yata. Sabi nila kapag sobrang saya mo daw maaring ang susunod ay sobrang kalungkutan. I was so happy a while ago, bat ang bilis naman ng back up? Bakit naman dumating agad yung kapalit? Bakit hindi manlang nasulit ngayon?, hindi pa pinagpabukas so I can savour the moment man lang bago matulog. Swerte mo naman Promise bulong ko sa sarili.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now