Chapter 39: Promise 2 & 3

37 10 0
                                    

POV: PROMISE

Narito kami ngayon sa Palawan. Isa sa gusto naming puntahan noon kapag natuto na si Ralph lumangoy. Ito ang pangalawa sa listahan. Ngayon marunong na s'ya na una kong nakita noong nag-outing kami sa beach. Galit na galit pa s'ya noon at binuhat ako pabalik ng tent. Ayaw ako pagsuotin ng swim wear ko at pinag-tshirt kaya tawang tawa sila Hazel noon. Parang hindi raw ako nag-grade two na ayaw pa pagsuotin ng two piece ng tatay ko.

"Yo-you're going to wear that?" Tanong sa akin ni Ralph at nag-iwas nang tingin.

"Pinagbawalan mo ako noon at halos ibalot na parang lumpia pero ngayon, wala kang naaalala 'diba? Hindi mo ako pwedeng pagbawalan." Sabi ko at kinuha na sa lamesa yung mga pang snorkeling. Yes naka-two piece ako while s'ya naman ay nakasuot noong black na pang diver talaga.

"Ar-are you sure? Tinitingnan ka nila okay lang sa'yo?" Sabi ni Ralph referring sa iba pang divers na nasa paligid at nakatingin nga sa akin.

"Sa akin okay lang, eh sa'yo ba?" Tanong ko kay Ralph.

"Bahala ka." Sabi nito at inayos na rin ang oxygen na nakakabit sa kanya.

Nahihirapan naman ako sa pagkakabit noong sa akin. Maya maya ay may lumapit na parang foreigner ata, mag-snorkeling rin.

"Need help?" Tanong nito pero sa katawan ko nakatingin na tila ini-x-ray ako.

"No thanks! She's with me and I can handle her." Sabi ni Ralph na biglang umakbay sa akin.

"Oh my bad!" Sabi nang foreigner at taas kamay na umalis.

"Nahiya ka pa dagdagan, handle with care." Pang-aasar ko. Natapos naman na n'ya ako tulungan sa pagkabit.

"Tara na, ang dami ng mata." Sabi ni Ralph at tumalon na sa tubig. Tumalon na rin naman ako.

Masaya kami na pinanood ang ibat-ibang uri ng laman dagat. Nasa ilalim kami ng tubig nang hinila ko si Ralph at dinala roon sa bahay ng anemone fish. Naalala ko kasi na favorite namin panoorin yung movie na Nemo noong bata pa kami kahit paulit-ulit kapag nasa bahay nila kami. Nakita ko naman na tila napangiti s'ya. Buti nga at talagang hinahayaan n'ya ako at hindi masyadong nagsusungit. Sana lang makatulong ito hanggat hindi pa namin alam kung saan itinago ni Maya ang daddy n'ya para sa antidote.

After snorkeling ay mabilis n'ya akong hinagisan ng tuwalya pagkaahon sa tubig.

"Magbihis na tayo." Sabi nito.

Palubog na ang araw at narito kami ngayon sa dalampasigan kung saan may nakahain na ibat-ibang uri ng seafoods.

"Wahhh!!! Ang sarap!"

"Hindi mo pa nga natitikman." Kontra naman ni Ralph.

"Edi tikman na natin." Sabi ko at ipinagbalat s'ya ng shrimp.

"Ahhh" Sabi ko at diretsong isinubo sa kanya iyon kaya wala na s'yang nagawa.

"Masarap nga hindi ka nakasagot eh." Sabi ko at kumain na kami ng kumain.

"HAHAHA naalala mo nung sili naisubo ko sa'yo?" Sabi ko.

"Tapos?"

"Tapos ano, tapos..." Hindi ko naituloy dahil ang naalala ko ay yung kiss under the eclipse namin.

"Oh? Anong nangyari?"

"Ah hah? Ayun edi naanghangan ka." Sabi ko at mabilis na sumubo ng mga pagkain para hindi na makapag salita pa.

Natapos ang Promise 2 pero wala parin daw naaalala si Ralph. Pero umaasa parin ako, kaya pa ito.

Narito kami ngayon at nagcheck in for room rito sa resort sa Palawan. Magkahiwalay kami ng room, s'ya sa room 168 at ako naman sa kasunod na room 169.

Chasing Promises (Completed)Where stories live. Discover now