Chapter 13: Orcad's School Fair: Day 1(Part 1)

81 30 0
                                    

POV: ABI

Hindi ko alam kung sino ang lalaking to pero ang galing niya makipaglaban. Tumba lang naman yung apat na lalaki tapos ay iika ikang tumakbo. Pero bago makalayo ang mga iyon ay sinalubong na sila ng mga tanod na nagpapatrol sa lugar dahil marami sigurong loko loko rito kaya alam na ng mga Tanod ang ganap sa lugar na ito at kung sinong mga salarin na ngayon lang nila natiyempuhan.

Lumapit na sa akin yung lalaki na hindi ko kilala pero salamat at tunulungan ako.

"Are you okay?" Tanong sa akin nung lalaki at sinusuri ako kung napaano ba ako.

"Well, I'm okay now. Thank you talaga ha, muntik na ako roon, Buti napadaan ka sa lugar na to." Sabi ko na nakatingin sa kanya sabay buntong hininga at yuko.

"Ewan, naligaw lang rin ako roon. Hinahanap ko kasi yung bagong school na lilipatan kaso inabot na ako ng ganitong oras hindi ko nahanap. " Kibit balikat niya sabay ngiti sa akin.

"Ahmm, anong school ba 'yan baka alam ko? Makabawi man lang ako."

Nagulat ako ng ituro niya yung logo sa uniform ko.

"Wait what? So you're looking for Orcad's School?" Gulat na tanong ko.

"Yeah?" Hindi siguradong sagot niya.

"Wow hahaha, swerte mo naman. So 'yun na nga same school tayo. Welcome to Orcad's
School."Sabay abot ko ng kamay sa kanya. Tinanggap naman n'ya iyon pero nakatingin parin sa logo ng Uniform ko.

"Ah Orcad's School short for Orion Academy." Sabi ko dahil nagets ko na naguguluhan siya.

"Ah yeah, that's cool. And the uniform looks great too."

"Awww gusto mo nakapalda ka rin? haha." Kumunot naman noo niya.

"Joke lang ito naman." Pagbibiro ko ng maalala na hindi pala kami magkakilala.

"Abi Hernandez nga pala. Abi nalang."

"Oh I'm Grey Lumineire. Grey nalang" panggagaya niya pa kung paano ako nagpakilala saka kami natawa.

"Okay! so see you sa school bukas Grey?"

"Oh, I have something to do tommorow. Maybe the day after tomorrow." Sagot nito.

"Ok, Ako na bahala sa pagtour sa'yo tutal it's Orcad's school fair that day mas masaya 'yun."

"Okay see you Abi. It's nice to meet you."

"Thank you!" Masayang sabi ko at naglalakad patalikod habang nakaway kay Grey.

POV: PROMISE

Narito kami ngayon sa oval dahil last day na nang training namin para sa School Fair bukas.

Natanaw ko si Abi at Vince na parating na rin sabay sabay kasi kami maglulunch mukhang tapos narin sila magpractice. Pansin ko na hinahabol ng lakad si Vince kay Abi. Medyo weird itong dalawa na'to after nung tour sa EK.

"Okay so dahil kumpleto na tayo tara na at kanina pa ako nagugutom." Pagyayaya ni Christine sabay hila kay Abi.

Narito na kami ngayon at mga tahimik na nakain. Mga pare-pareho kasing gutom sa practice.

"Ahh guys may sasabihin sana ako?" Nag-aalangan na paalam ni Abi.

"Go mo na 'yan, ano ba 'yan bakit pinagpapaalam pa?" Sabi ni Rubie na puno pa ang bibig ng fries.

"Okay so Ito na nga, wag kayo magugulat okay?" Sabi ni Abi.

"Oh no! Buntis ka? Sino ama?" Oa na tanong ni Hazel.

"Buntis agad? Hindi pwedeng jowa muna?" Sabi ni Abi.

"May boyfriend ka na Abi?"Tanong ko.

"Ang bilis naman yata?" Nasasamid na tanong ni Vince. Napatingin kami dahil hindi namin inaasahan na pati si Vince ay curious rin.

Chasing Promises (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon