Chapter 24: Sabaw

67 17 4
                                    

POV: ABI

Papasok na ako ngayon sa school. Nakita ko si Vince na nakatayo sa gate at parang may hinihintay.

Inaantay n'ya siguro sila Ralph, Hindi ko matanaw eh.

Dire-diretso akong naglakad at handa nang lampasan s'ya.

"VINCEEEE!!!" Inis na sigaw ko kay Vince dahil bigla n'ya akong hinila at sobra kaming magkalapit ngayon na he's almost hugging me dahil rin na out of balance ako. We stared to each other for a moment.

"S-so-sory!" Sabi ni Vince sabay inalalayan ako makatayo ng ayos dahil salo n'ya pa ako. Galit ako sa kanya, ayoko na bahala s'ya riyan.

Akma na akong lalakad muli palayo ng tawagin n'ya ako. Galit akong humarap sa kanya.

"Ano nanaman ba?" Singhal ko rito.

"I-I want to tell you something."

Ayan nanaman s'ya. Papaasahin ako tapos sa huli iba naman ang gusto.

"Ayaw kitang kausap okay? Ayaw ko nang makinig sa'yo."

"P-pero--"

"Diba sabi ko give me some space and time until I moved on from you? That's when we can be friends and talk casually. Sa ngayon hayaan mo muna ako mag-MOVE ON. PWEDE BA 'yon, HA?" Hindi n'ya na ako masasaktan basta basta.

Sisiguraduhin ko iyon. Tama si Grey, I look miserable. I need to love myself first.

"Huwag ka na mag move on." Biglang sabi ni Vince. "Hindi na kailangan."

My eyes widen in disbelief.

"Binasted mo ako tapos ayaw mo pa ako pag-move-on-in? Eh siraulo ka pala eh!" Sabi ko rito.

"O-ouch! Ouch! Stop! W-wait!" Sabi n'ya dahil pinaghahampas ko sa kanya yung dala ko na lunchbag.

Bahala na magkanda tapon-tapon sabaw ng ulam ko basta ako hindi sabaw ngayon para mag-pauto pa sa lalaking ito.

"Ang kapal mo, hindi ka naman ganoon ka pogi. Sino ka para sabihan yung nagkagusto sa'yo na huwag nalang magmove on after rejecting ha?"

"Ouch!" Reklamo n'ya ng hampasin ko pa s'ya pahabol.

"Let me explain kasi."

"Explain mo mukha mo!" Sabi ko ng mapansin na nababasa na yung lunchbag ko.

Shit yung sabaw natatapon naaaa!!!!

"ABIIIII!!! Bumalik ka ritooooo!!" Sigaw ni Vince dahil nanakbo na ako ng mabilis paalis.

Yung baon koooo huhu. Pagsisisi ko ng makita na panay na ang tulo sa bag nong sabaw.

*Bump to someone*

"So-so-rry, Okay ka lang?" Tanong ko sa nakabanggaan ko na nananakbo rin.

Ano 'to fun run? Kanya kanyang direction?

"I-ikaw ay-yos ka lang ba?"

"Promise? Bakit ka naiyak? Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko kahit alam ko na.

Those bastards.

Malamang si Ralph ang dahilan. Mga lalaki nga naman. Oopss huwag kayo magalit, hindi ko nilalahat.

Nakaupo na kami ngayon ni Promise dito sa gilid ng hallway na mga benches.

"Huwag ka na umiyak Promise. Kung sino man 'yan ay hindi n'ya deserve ang luha mo."

Tumingin sa akin si Promise at ginulo ko naman ang buhok n'ya saka ngumiti pero parang nagtataka.

"Ako nga nagkandatapon-tapon pa sabaw oh dahil sa walanghiyang lalaking iyon." Sabi ko habang inililipat ng lagayan yung pagkain ko for lunch.

"Hindi kayo okay ni Vince?" Nagtatakang tanong ni Promise.

"Pa-paano mo nalaman yung samin ni Vince?"

"He told me everything. After n'ya umamin sa akin."

So yeah umamin nga siya...kay Promise...

"Alam mo I think... Vince really likes you."

"W-what???" Gulat na tanong ko and with that, yung sabaw na sinasalin ko sa ibang lagayan ay nagkanda tapon-tapon na ng tuluyan.

"Yeah, kasi noong umamin s'ya sa akin Sabi n'ya he only treats me pala as his little sister. Sabi n'ya you made him realized that."

"R-re-really?" Tumango tango naman si Promise habang nagpupunas ng luha.

Pero kahit na, alam ko naman, sinabi n'ya sa akin na kung hindi man n'ya gusto si Promise, still... he will never like me again...

"Pwedeng hindi ka nga n'ya gusto romantically pero hindi ibig sabihin gusto n'ya ako." Sabi ko rito.

"Maniwala ka sa akin. Kayo man lang magka-happy ending. Kumpara mo naman sa duwag na Ralph na 'yon!" Sabi n'ya at gulat na napatingin sa akin habang nakatakip ang bibig.

"Hindi ako nagulat. Alam ko ginawa ni Ralph sa'yo. Isa pa yang lalaki na 'yan. Walang matinong desisyon sa buhay."

"A-ah he-he, Alam mo rin pala." Sabi ni Promise.

"Let's not waste our tears sa kanila. Let's make them regret na sinayang nila tayo." Sabi ko.

"Tama!" Sabi ni Promise na napatayo pa sa pagkaka-upo.

Sabay na kami ngayon papasok sa classroom. Bago na ang sitting arrangements. Ang bawat upuan ay dalawahan nalang ang magkatabi. So saan ako uupo ngayon?

POV: PROMISE

Natigilan kami ni Abi papasok. Iba na ang sitting arrangements sa classroom namin kung noon ay tatlo ang magkakadikit na upuan ngayon ay dalawa nalang. Dati ay napapagitnaan ako ng dalawa ni Ralph at Vince pero ngayon dalawa nalang ang magkatabi. Nakatingin sila samin ni Abi ngayon. Nakaupo sa magka-layong upuan at naghihintay ng kanya-kanyang katabi.

Si Hazel at Rubie ay magkatabi. Si Christine wala pa. Ayun!

"Abi dito ka naaa." Sabi ni Christine at masaya itong umupo roon at parang hindi ako nakikita bigla.

Best sa pagtakas, Abi. Galing! Paano ako nito? Ayoko tumabi kay Ralph or Vince.

Hmmpp!!! Kaaway namin sila ni Abi.

Tapos iniwan ako ni Abi hmmpp!!!

Tiningnan ko ito na parang nanghihingi ng tulong pero malungkot itong umiling.

Maya maya pa ay pumasok si Grey. Umupo ito sa bandang dulo. Meron pa pala roon.

"Grey, okay lang patabi? Hehe" alangan na sabi ko.

"Ah yeah sure." Sabay ngiti nito. "Sa isang kondisyon?"

Ay shet may pahabol.

"Anong kondisyon naman iyan?"

"Tell me more about Abi."

Napatakip ako ng bibig ko at nagpipigil matawa.

"Okayyy!!!" Napalakas na sabi ko at nakita ko ang nagliliyab na mata ni Ralph. Makikita mo na yung mala- anghel na awra n'ya noon ay mananakit na ngayon.

Problema nitong Ralph na to.

Sabay baling ng tingin kay Grey at nakipagdaldalan habang wala pa ang professor namin.

Third Person's POV

Hintayin n'yo ang pagbabalik ko. Maaring masaya kayo ngayon pero sisiguraduhin ko na sa pagbabalik ko ay mabubura ang mga ngiti n'yo.

Hindi ako papayag. Akin lang s'ya. Walang maaring mag-may ari sa kanya. Magkamatayan na.

Sabi ko sa aking sarili habang pinagmamasdan sila sa hindi kalayuan. Lubos-lubusin n'yo dahil baka sa mga susunod na araw, wala na kayong ikaliligaya pa. Those smiles of yours will perished. That happiness will vanished.

See you when I see you. Then I smiled creepily staring at them from a far.

I'll be closer sooner...

-Pencilinfinity8-

Dedicated this Chapter for xvirgiex thank you sa support ❣️

Chasing Promises (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon