Part 2: Suspended

8 3 0
                                    

August 23, 2022
9:01 pm

Hindi ako maagang nagising this time, kasi alam kong wala akong pasok sa umaga at saka antok na antok din ako, at sinulit kong matulog sa umaga. Bandang 6:25 am, nagising na ako, dahil iniisip ko na kailangan kong ihatid sa labas at pasakayin ang kapatid ko, pinanunuod ko din kasi siya sa umaga bago siya umalis na mag ayos ng sarili niya. Naeexcite lang ako dahil Grade 8 na ang kapatid ko, at nasa high school na din siya nag aaral. Nagising ako na nakahanda na ang kapatid ko, at naghihintay nalang siya ng makakasama niya papunta sa school which is our cousin.

Nag almusal muna ako bago ako nagpunta sa sala kung nasaan sina Mama at Papa kasama ang kapatid ko na tinutulungan ang kapatid kong mag handa sa pagpasok. Maya maya pa ay nagpaalam na ang kapatid ko, at saka sinamahan siya nina Mama at Papa na magpunta na sa labas dahil aalis na daw sila. Hindi na muna ako sumama dahil maulan pa rin at nilalamig ako. Nang maka alis sila, tinignan ko ang facebook account ko, at saka ko nakita na may class suspension pala, kaya tinawagan ko sila at saka pinabalik ko sila sa bahay.

Ngayon na walang pasok, maghapon akong kumain, humiga, natulog, nag cellphone, at saka nilaro ang pinsan kong si Aviana.

Nakarami ako ng ia-update para sa Sabado, kaya naman masaya ako, na marami akong naisulat, kahit na Martes palang ngayon,  mas dadami pa ang mai-update ko dahil mas marami pa akong maisusulat sa susunod pang mga araw.

Malakas lang ang hangin, at ulan dito sa amin, at saka minsan ay kumukulog, pero maayos naman kami. Panay lamon nga ang ginawa ko, kaya naman masakit ang tiyan ko kung minsan. Nakipag interact din ako sa social media account ko, pero hindi masyado dahil mas gusto kong magsulat sa wattpad gayong maulan at masarap ang ganitong panahon.

Naglabas na din kanina ang LGU namin na hindi na daw muna magkakaroon ng pasok bukas, ibig sabihin ay wala nanaman kaming pasok kaya nandito lang ulit ako sa bahay maghapon bukas. Kaya makakapag sulat nanaman ako. May nakausap akong kaklase ko kanina at sinabi niya sa aking pinag uusapan din nila ako sa room, kahit na hindi pa kami masyadong close. Sinabi nila na mukha daw akong matalino, at matalino daw ako, magaling din daw akong kumanta, well, kumanta ako noong unang pasok, kaya narinig nila ang boses ko.

May iba naman na nakakakilala saakin noon palang, at hindi ko din sila kilala.

Nakakatuwa, iba iba ang impression nila sa akin, huwag lang mataray, at talagang ipapakita ko sa kanila ang tunay na ako. Kidding. I am sad, kasi suspended ang klase, hanggang bukas, pati ang modules ata, hindi pa kukunin dahil maulan parin, kaya nakakalungkot lang. Pero sana sa susunod na linggo ay okay na ang panahon, at maayos na, para hindi na mahirapan lahat ng estudyante papunta at pauwi galing sa school.

Keep safe always. And stay alert. Stay healthy and huwag magpapa ulan. Mwua! 

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now