Part 30: Scam?

0 0 0
                                    

Kahapon, maaga ako sa school, diba? Tapos habang nagsusulat ako ng notes with my friend, biglang may nagtext saakin na magprepare daw ako ng COD payment na 310 pesos. So syempre, nagulat ako, 310? Sa pagkakaalam ko, wala akong chine-checkout na item sa shopee and lazada app this past few days kasi wala naman din akong balak na mabili at wala pa akong pera. Kaya nagtaka talaga ako na bakit may order ako, tapos chineck ko yung shopee app ko, wala naman akong naicheckout doon na any item. Nakakapagtaka pa, 310 pa yon, e hindi naman ako oorder ng ganoong halaga unless for shoes talaga or books.

Edi maya maya tumawag yung shopee rider. Sinabi at pinaliwanag ko na wala akong chine-checkout na kahit ano sa mga shopping apps ko, mabuti nalang mabilis kausap si Kuya Rider kasi sinabi niya lang na itext ko daw sa number na pinagtawagan niya sa akin na wala akong order, at wala akong chineckout na ganoong item. Tinanong ko din kung anong item ba yon, kinapa niya at ang nakapa niya is parang bilog daw yung nasa loob, so napaisip ako, anong bilog iyon? What kind of item is that? Sabi ko. Kidding.

Ayon, nagawan naman ng paraan, kaya hindi nakuha yung item, mabuti mabilis kausap yung rider. Paano naman kaya may nakaalam  ng shopee account ko, at number ko mismo?

Scam ba yon or not?

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now