Part 106: Preparation After 2 Years

0 0 0
                                    

November 26, 2022

Gabi is naglaba pa ako ng gagamitin ko for kinabukasan, since may dryer kami, madali siyang natuyo kaya nagplantsa na ako kaagad. After ko non is natulog na ako. 4:20 am ako nagising kahit na ang alarm ko is 5am pa, nauna akong magising sa alarm ko, to be honest. Tapos una, naghanda ako ng pagkain ko. Ako palang din kasi ang gising at ayaw ko namang makaistorbo at magpa asikaso pa kasi matanda na ako. Nagtimpla ako ng gatas at nagluto ako ng pagkain. After eating, nagsuklay ako and nagtake na ng bath. Nagbihis ako ng uniform since iyon ang isusuot naming lahat, tapos nagipit ako ng buhok ko.

Matagal mag abang ng sasakyan sa amin kaya 6am ay nagabang na ako nang masasakyan ko, 6:30 am din kasi ang calltime. 6:20 nakasakay ako, diretso na iyon hanggang school. May kasama akong dati kong classmate kaya sabay kaming nagpakita sa mga iba naming kasama. And ayon, nagparade muna kasi ang mga athletes bago kami nag ayos sa ibaba ng stage kasi doon kami kumanta. Tapos ayon, after kumanta umuwi din lang ako kaagad kasi masakit sa paa ang suot kong black shoes tapos kailangan ko ding umuwi dahil masama ang pakiramdam ko at marami akong gagawing mga school works.

Sayang nga daw at wala ako doon kasi may naghanap daw na mage-intermission number ng song kaso wala ako, kaya iba daw ang kumanta. But it's okay. Wala din naman akong boses masyado, lol. Hindi din kasi ako nakapag dala ng isusuot kong civilian after performance, kasi wala talaga sa plano ko na magpapalit pa ako ng damit after performance namin. Hindi bale na, hindi kasi talaga okay ang pakiramdam ko, after ko nga kumain is nakatulog ako kaagad hanggang 2:30 pm na ata iyon, tapos saka ako gumawa ng ibang task ko.

Anyways, babawi ako sa ibang programs kapag maayos na ako, sayang nga at pinalampas ko ang Intramurals namin, ang dami daw ganap. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now