Part 89: Choir Mentor

1 0 0
                                    

Maaga akong nagpunta sa choir practice namin kasi wala naman din kaming Teacher magdamag, nakatunganga lang kami doon o kaya naman kumakain kain lang ako, kaya maaga na akong nagpunta sa choir practice namin para naman makapag practice pa ako nang mas mahabang oras, at makasama ko yung mga bagong members sa choir namin. May kailangan atang tapusin yung mentor namin, kaya naman iniwan niya muna kami doon, ako palang ang senior doon, kaya ako daw ang maglead. Mula 3:40 pm umalis yung mentor, tapos 5pm na siya nakabalik, paulit ulit ko lang pinakakanta yung pinapa-memorize sa kanila ng mentor namin, mula grade 7 to 10, ako ang may handle. Challenging siya, oo. Lalo nalang kapag yung mentor na namin ang nagtuturo, grabe sila kapasaway, sa totoo lang.

Pero ayos lang saakin na naiwan ako doon, kasi naman, nakasalamuha ko sila tapos naranasan kong magturo sa kanila at nasiyahan naman ako sa pagtuturo sa kanila, kaya naman ayos lang na naiwan ako doon. Hindi ko alam kung sa Lunes is ganoon parin na ako parin ang magli-lead sa kanila, kasi magsho-shooting ata sila, tapos card day din noon, pero pupunta parin ako sa practice, at sasama parin ako.

Excited na akong maglead ulit! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu