Part 111: Birthday Sched

0 0 0
                                    

December 3, 2022

Yes, nasa birthday party kami kanina ng pinsan ko, nag 2 years old siya. Simple lang naman, tapos may videoke kasi nandoon ako, kumukuha talaga sila ng videoke kasi kapag nandoon talaga ako sa party or any occasion, kasi ako ang singer nila. Ang aga nga naming nakapunta doon, 11 palang nandoon na kami, e ang kainan is 3 or 4pm ata nag start. Nakihiga at nakitulog muna kami sa bahay ng isang Tita ko, tapos nung kakain na, saka na kami nagpunta doon sa venue ng party ng pinsan ko.

Kumanta muna ako bago ako kumain, nakipila ako, syempre. Tapos bumabalik nalang ako kapag nagustuhan ko yung food tapos magsasandok ako ulit. Mas marami akong nakain na maja kaysa sa mga spaghetti or whatsoever na iyan.

And then, naguwi ako ng balloons, lalaki yung nag birthday so ang balloons is Mcqueen, edi color red. Naguwi ako ng isa. Tapos nag iiyakan yung dalawang bata kasi wala silang nakuhang lobo, tapos nasa akin pa yung isa, kung sino pa yung matanda, siya pa ang may lobo, kaya tinatawanan ako kanina. Hindi ko pa rin binigay, saakin pa rin iyon. Kaya lang nung pauwi na kami, since naka cab kami, lumipad siya palayo. Sayang.

Nagbalot din kami syempre para pagkain namin pauwi. Marami din kaming naiuwi at iyon na din ang kinain namin for dinner. Hindi na kami nagluto, magluluto nalang kapag nagugutom ka or ayaw mo yung food na naiuwi namin, ganoon.

Tattered pants at croptop na white lang ang suot ko, button down polo ata tawag doon sa damit ko kanina, tapos rubber shoes. Hindi na din ako nagdala ng bag, wallet at phone ko lang dala ko kanina. Tapos naka ponytail lang ako. Kasama namin buong fam kanina pero nung 5pm na, umuwi na din kami kaagad kasi may work pa si Mama ko.

Ayan lang naman nangyari for today saakin. Medyo masaya kasi biglaan din yung lakad na iyon, hindi naman nasabi saamin kahapon, tapos sa daan namin, nagkukwentuhan din kami, and also namili kami ng fruits na makakain at maidi-display sa bahay kaya masaya. And last one, first time kong mamili ng fruits sa palengke, legit. Lol.

I had fun today, and nabusog din. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now