Part 153: Nakagat

0 0 0
                                    

January 7, 2023

Ganda ng pasok ng bagong taon talaga. Joke. E kasi, nakagat lang naman ako ng pusa sa binti ko. Gabi iyon, lumabas ako kasi tatawagin ko ang kapatid ko, may iuutos sana ako. Naglalakad ako sa may eskinita tapos madilim, huli ko na nabuksan yung flashlight nung nakagat na ako. Hindi ko alam kung paano, siguro natapakan ko yung pusa, kaya bigla siyang nag ngiyaw, tapos bigla siyang kumagat sa binti ko.

Good thing, naka jogging pants ako, kasi hindi super bumaon yung ngipin nung pusa sa binti ko. Pero ramdam ko parin yung ngipin niya sa balat ko, kaya sinabi ko kina Mama na ipa injection-nan ako, para mas safe. Sinabi rin iyon sa akin ng Tita ko, kaya magpapa inject ako.

Napaka aggressive ng mga pusa ngayon, at hindi ko alam kung bakit. Pero good thing talaga naka jogging pants ako kaya hindi bumaon yung ngipin at hindi malalim ang sugat ko. Kayo? Ingat kayo palagi! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now