Part 23: Inspiration (?)

4 0 1
                                    

So, there's this Teacher HAHAHAHAHA. I like his style lang, ang linis niya manamit, maganda ang fashion sense, simple lang tignan, tapos ang ganda niya magsalita, malinis, smooth, tsaka ang ganda ng pronounciations niya sa mga words, lalo na ang english words. Yesterday, dapat may subject kami sa kaniya at magtuturo siya sa amin but since nagkaroon ng SSG elections, hindi siya nakapagturo. Noong wala pa kaming teacher, lalabas sana ako, kaya lang bigla ko siyang nakita, so nag hi ako, simpleng hi lang, tapos siya, any ganda ng ngiti niya, kahit naka mask siya, kita sa mata niya na nakangiti siya kasi nawawala ang mata niya, nagiging singkit. Tapos kumaway pa siya sa akin, alam niyo yung parang excited siya na makita ako, jolly siyang bumati saakin kahapon, kaya naman natuwa ako. I really like him, when it comes to teaching, ha? Kasi ang linis at klaro niyang magturo, tapos biglaan siyang tatawag ng students na sasagot sa tanong niya para makita niya kung nakikinig talaga yung student niya sa kaniya, at ang ganda niyon, ang galing niya doon. Iyon ang gusto ko sa kaniya, kung nakikinig ka, makakasagot ka, kung hindi ka nakikinig, wala kang isasagot sa kaniya. And he is nice also, akala ko noong una, masungit or mataray or strikto siya, pero hindi naman pala. Kapag may quiries ka, he will answer it agad agad, hahayaan ka niyang sumagot at magbigay ng opinyon, at siya na ang bahalang dugtungan at ipaliwanag iyon sa amin. Kaya nakakatuwa. Sa tatlong araw na pasok sa isang linggo, dalawang beses lang siyang nagtuturo sa amin, pero lagi ko din naman siyang nakikita sa buong 4th floor kasi doon siya nagtuturo, sa bawat rooms ata sa 4th floor ay siya ang may hawak sa subject na tinuturo niya kaya palagi siyang naroon. Bumabati naman ako at ngumingiti kapag nakakasalubong o nakikita ko siya.

He is nice. I wanna know him better.

Hi, Sir Joco!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now