Part 118: Christmas Part OOTD

0 0 0
                                    

Naka isip na ako ng damit ko if ever na wala kaming theme for our christmas party. Ang isusuot ko is terno na coordinates, tapos rubber shoes lang. Simple lang naman siya. Hindi naman ako super aesthetic kagaya ng iba, kaya hindi ako hahanap ng bonggang damit, bet ko talaga ngayon na isuot is terno lang, yung kumportable lang, kasi sa room lang naman kami magsi-celebrate tapos maglalaro pa kami, kaya kailangan hindi super bongga yung damit kasi nga baka hindi ka makalaro nang maayos, mga ganyang thoughts ang pumapasok sa isip ko.

Nakahanap na ako sa shopee. Iniisip ko kung bibili ba ako ng bagong sapatos para iterno doon o hindi na. Pero pwede din na hindi na lang, magastos kasi. Tapos, sa hair naman is magba-bucket hat lang ako, tapos sling bag, para bang cool lang, ganyan. O kaya naman, magiipit, tapos mas maraming clips, basta hindi ko pa alam sa hair.

Shorts talaga ang gusto ko pang ibaba kasi ayaw ko ng pantalon, mainit siya, e maglalaro kami tapos siksikan pa kami sa room, kaya hindi dapat nakamahabang pang ibaba. Ayaw ko rin ng dress, hindi ako nagdi-dress. Sa contest lang ako nagdi-dress, sorry.

Terno na coordinates ang target ko this christmas party ootd. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now