Part 22: Girl Scout Of The Philippines

0 0 0
                                    

I joined Girl Scout of the Philippines kasi gusto kong marami akong extra activities na makakapagpadagdag sa points ko sa cards and also sa average ko, kailangan ko kasing humakot ng gagawin para mas tumaas ang grades ko at makakuha ako ng honor sa graduation, kumuha ako at sumama ng GSP, dahil malaki din ang credentials niya, malaki ang grade na makukuha mo kapag nakasama ka doon. Bale 3 activities ang una kong nasalihan, singing a faith song, sa sunday na ito kailangan, tapos tree planting naman ay kailangan sa Wednesday, at Community Outreach wherein magpapa feeding program kami something like that ay sa September 23 naman gaganapin, whole one week siya starting from Sunday, September 18 to 23 ang activities na para sa GSP. At luckily kasama ako sa tatlo. Leader naman ako sa iba't ibang groups namin sa ibang subjects, sa Practical Research 2, PE, and Personal Development, leader ako sa mga iyan. By next week, may role play kami, and reporting, kaya naman maaga ako, by 7am nasa school na ako kaagad, doon na din ako gagawa ng ibang activities na gagawin ko. Tapos by next week din ata magpapa groupings na din iyong isang teacher namin sa isang subject, kinakabahan ako baka ako ulit ang leader doon, huwag naman sana. Sa PE, sasayaw kami ng folk dance na galing sa Region 12. Tapos sa Per-Dev, show your talent naman, tapos sa Prac-Re 2, magpapacheck na kami ng research title at kung naapprove na ng teacher namin, mag uumpisa na kami agad sa introductions, chapter 1, etc. Ang uunahin ko munang gawin for now is yung sa faith song, kailangan na kasi ipost yon sa Sunday, at magrerecord palang ako mamaya. May naisip na akong kanta, irerecord ko nalang mamaya sa tahimik na lugar, mamayang tanghali siguro, magrerecord na ako. Super nakaka stress, nakaka drained pero kailangan kong galingan at dapat may extra akong ginagawa para mas tumaas ang grade ko.

Anyways, may inspiration naman ako, kaya naman nagagawa ko sila ng maayos. As of now, wala pa naman akong lates and absents. Nakakapasa ako on time ng tasks, activities, and all. Wala akong namiss na quizzes and exams. Kaya maayos pa ang record ko. Wala akong balak dugyutin ang records ko this school year at hahakot ako ng medals sa graduation. May chika ako sa next chapter.
Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now