Part 18: Unexpected Bonding

0 0 0
                                    

September 8, 2022
10:20 PM

Kakatapos lang namin sa bonding namin, kaya nasulat ko na ito. Unexpected bonding siya, kasama Tita, Tito, at mga pinsan and kapatid ko. Nagkayayaan kaming manunuod sana ng movie, kaya lang ay nauwi sa karaoke night kasi sumama ang Tita ko na kakanta daw siya, kaya nagkaraoke nalang kami. Nakailang ikot din iyong mic at nakailang kanta din ako, kaya nasatisfy din ako. I had fun, to be honest, super. Kapag talaga nagkayayaan na at nagtuloy tuloy na iyon ay hindi na kami titigil at masasayang tawanan nalang ang matitira sa ganap namin habang nagba-bonding. Napakasaya, hindi planado, kaya naman natuloy. May usapan na din kami na bukas ng 4am ay maglalakad daw kami para makapag exercise daw at makagala naman daw kaming lahat, pumayag naman lahat, at naayos namin, kaya sinabi nila Tita ko na tatawag daw sila bukas ng 4am para makagising na ang lahat. Magkakadikit lang naman ang bahay namin, kaya naman hindi madaling tawagin ang iba. Mukhang hindi ako makakapagsulat sa ibang stories ko dahil napagod ako ng husto, masakit din ang ulo ko, at inaantok na ako kahit na natulog naman ako kaninang tanghali dahil nakaramdam ako ng antok. Bukas, sana makagising ako ng maaga para makasama kami, at sana matuloy talaga iyon.

Nakapag update na ako kanina sa stories ko, dahil alam kong sa susunod na mga araw ay magiging busy ako, at alam kong marami akong gagawin, kaya nag update na muna ako. Inunahan ko na.

I had fun tonight. So much.

Keep safe and healthy! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now