Part 145: Avi's Christening

0 0 0
                                    

Tuloy raw ang binyag ni Avi dahil nagpa-plano na sila kahapon ng mga handa na bibilhin para sa binyag at saka iyong mga souvenirs na gagamitin, hindi ko alam kung kailan sila magpapabinyag. 31 ata, hindi ko sure. Pero kanina nagpaplano na sila at naglilista na sila ng mga bibilhin, tapos naginform na sila ng mga tao na gumagawa ng mga foods at nagorder na rin sila.

10 kilos na baboy ata ang inorder kasi sabay na sa New Year Celebration ang handaan namin or hindi (?), wala talaga akong kaalam alam pero ang alam ko is sabay ang New Year at Christening ni Avi, kaya nandito sila sa amin at umuwi sila galing Manila.

Hindi ko naman alam na tuloy kaya hindi na rin ako nakahanap ng susuotin kong damit para sa binyag niya, kaya magd-diy nalang ako, kung ano nalang ang makuha ko ay i-style-an ko nalang siguro, marunong naman ako sa fashion, kaunti lang.

Magiging busy kami buong week, and hindi ko alam kung makakapag sulat pa ako, ang dami ko pang pendings na activities at homeworks, kaya hindi ko alam kung paano babalansehin ang time ko, maybe after parties ay gagawa ako ng reports at kung ano ano pang related sa school, kasi ang balik namin sa school is January 4. Kaya kailangan matapos ko na lahat ng mga gawain ko before January 4.

Keri naman siguro iyan. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now