Part 155: National Anthem

0 0 0
                                    

January 10, 2023

Tuesday, nakapasok naman na ako. Umaga palang ang dami ko nang ginagawa. Una, nakipag interact muna ako at nanuod ako sa mga classmates ko na nagpa-practice. Hindi na muna ako sumamang sumayaw at sa props nalang ako, dahil nga sa injections ko, hindi rin lang ako makakapag practice nang maayos kasi hindi ako pumapasok every injection ko.

Nakita ko pa yung teacher na close ko hanggang ngayon. Teacher namin siya sa Science nung grade 9 kami pero nakakasama ko pa siya sa school at sa labas ng school, and naki- sit in ako sa klase niya kasi wala naman akong magawa. Nag stay ako doon habang ginagawa yung isang project ko, at saka nung natapos na ako, umalis na din ako kaagad.

Nagpunta ako sa LR para kunin yung project ko na na-approve at kailangang ipost online. Doon may sinabi saakin yung teacher ko, sinabi niya na kakanta daw ako ng national anthem sa susunod na week. Lunes. Ako daw ang kakanta, at sinabi niya sa akin na si Sir Joco daw ang nagsabi na ako ang kakanta, well..national anthem lang naman kaya pumayag na rin ako.

Nagpunta din ako sa office ni Sir Joco at sinabi ko yung tungkol doon, and nai-clear naman namin yung mga gagawin, kaya hindi na ako nagtagal doon. Nag klase kami at marami kaming ginawa kasi napagod ako nung araw na iyon, ilang beses pang nagalaw yung bakuna ko, kaya naiinis ako.

Anyways, nasira pa yung school shoes ko kaka akyat baba doon sa floor kung nasaan kami. Nako. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now