Part 151: Back To School

0 0 0
                                    

January 4, 2023

Yes, babalik na kami sa school at may pasok na kami ngayon. Hindi ko ba alam at bakit ngayon ay may pasok na kami. Pwede namang sa 9 nalang para sakto sa Lunes. May iba nga na nagsuspend at ginawang 9 ang pasok ng mga bata, saamin talaga is 4. Kaya wala kaming magagawa, kailangan naming pumasok na at bumalik na sa school.

Hindi sana ako papasok ngayon, kasi tinatamad pa talaga akong bumalik at ayaw kong pumasok ng Wednesday, kaso baka may mamiss akong mga activities, at kung ano pang ipapagawa saamin, kaya papasok na ako. Natapos ko kagabi lahat ng activities na kailangan kong tapusin kaya naayos ko na rin ang bag na gagamitin ko. Magpaplantsa nalang ako mamaya ng uniform ko.

Paos pa ako ngayon, at hindi ko alam kung may choir na ba kami ngayon o bukas pa. Or baka sa Monday na, kasi may performance kami this March at kailangan naming paghandaan iyon for 2 months, start kami ngayong January.

Wala na talaga, may pasok na talaga. But, I really enjoyed my holidays, sa dami ba namang ganap at ginawa that time, napakasaya talaga. Ingat kayo papunta sa schools niyo and goodluck! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now