Part 122: Hindi Nagtatagpo

0 0 0
                                    

December 10, 2022

This happened earlier. Dapat 10am, aalis na ang fam kasi maaga talaga ang usapan namin, ang kaso hindi pa nakaayos ang Lola namin, kaya kaming magpipinsan muna ang umalis at naunang magpunta sa bayan. Tapos, nakita ko sa gc namin ng mga groupmates ko sa subject ni Sir Joco, na kasama nila si Sir Joco sa CSI, kasama din yung ibang Teachers at students ng strand namin. Grabe yung hinayang ko, kasi kung maaga aga kaming naka alis, edi sana ayos na at nandoon din kami sa CSI, edi sana nagkita kami.

Tapos ito pa...

Nagpunta kaming kumain sa Mcdo. Nakita ko doon yung students at teachers na kasama ni Sir Joco, ang kaso, hindi siya kasama at bumalik daw sila sa school kasi nilagay doon yung pinamili nila kanina. Edi hinayang nanaman ako, kasi wala siya. Inaabangan ko pa kasi baka nandoon lang siya sa lane, kaso wala daw. Tapos nagtake out nalang kami kasi ang daming tao kanina sa Mcdo. Tapos nung nakaalis na kami sa Mcdo, sinabi nung kaklase ko na, nandoon na daw sila sa Mcdo kasama si Sir Joco, ako nanaman ang wala. Grabe. Lol.

Chinat ko pa si Sir Joco kung nasa Mcdo siya, sabi niya oo daw. Hindi na din ako nagpunta doon para magpakita kasi baka kung anong sabihin nila, hindi naman ako kasama sa lakad nila e. Lol.

Hindi kami pinagtagpo ni Sir Joco ngayon, nakakagigil. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now