Part 154: First Inject

0 0 0
                                    

January 9, 2023

Of course, maaga kaming gumising ni Mama, para maka pila kami at mauna kami sa Ospital, kaso mabagal akong kumilos kasi malamig, kaya anong oras na kami nakarating sa Ospital that time. Marami na ring pasyente at magpapa check up nang makarating kami, mabuti nalang at nakakuha kami kaagad ng yellow card at saka kami pumila sa may waiting area para mahintay na matawag ang pangalan namin.

Mahigit isang oras at kalahati kaming naghintay sa waiting area hanggang sa matawag yung name ko. May mga tinanong yung doctor sa akin, tapos pinalabas niya pa kami kasi bibili pa kami ng syringe tapos yung toxoid na gamot na ituturok sa akin.

After non, bumalik kami sa office ni Doc Paul, name nung Doctor doon, tapos saka niya inayos yung gamot na ituturok sa akin. Bale 4 na syringe yung pinabili sa amin, kasi yung iba, gagamitin sa susunod na punta namin doon for scheduled vaccination. Tatlong turok yung ginawa sa akin, dalawa sa kaliwa, which is nandoon din tinurok yung toxoid, kaya mabigat sa braso. Tapos sa kanan naman, isa din.

Mabilisan lang yung turok, at hindi rin mabigat kasi magaan yung kamay ni Doc Paul. Nagkakatawanan at biruan pa kami habang tinuturukan ako kasi kinakabahan ako sa turok, pero hindi naman masakit kaya ayos lang. After kong maturukan, umuwi na rin kami kaagad after namin mamalengke para sa ulam namin.

May naka sched pa akong tatlo pang turok. Hindi na muna ako pumasok kasi mabigat yung bakuna ko, at saka para makapag pahinga pa ako. Ingat kayong lahat! Update ko kayo tungkol dito sa injections ko. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now