Part 20: Happened Yesterday

0 0 0
                                    

September 11, 2022
7:34 AM

I wasn't able to write this and share this with you all yesterday, but this happened yesterday.

Debut ng pinsan ko kahapon, pero hindi naman siya nagpa program. Naghanda lang sila, kantahan and all. Tapos noong gabi na, sakto after taking a bath, kumatok sila sa bahay, pinasok pa nila ako sa kwarto dahil inaaya nila akong kumain doon, kasama si ading ko tsaka si Papa, pero kaming mga magpipinsan lang ang pumunta doon. Edi syempre, kainan iyon, papatalo ba ako? Kaya nagpunta kami. Kumain kami, nakikanta ako, tapos saka na kami nagpaalam na umuwi. Magkapitbahay lang naman kami kaya madali lang makauwi at hindi kami lalayo sa bahay. The party is nice. May party lights, may corner kung saan magti-take ng photos, may mga nagiinom, and may corner kung saan ang mga pagkain, of course. Busog pa ako noon kaya spaghetti and salad lang ang kinain ko.

After sa party, nagpunta naman ako sa kubo, mula 8PM to 11:47PM, nandoon kami kasi gumawa kami ng assignments ng kaibigan ko. Tinapos ko na lahat kahapon kahit na pikit pikit na ang mata ko dahil ayaw kong may gagawin pa ako bukas kasi gusto ko tutunganga nalang ako sa Linggo, and also may iba din akong gagawin, magpa-plantsa pa kasi ako. Natapos ko naman kahapon, salamat naman at natapos ko. Naghugas pa ako ng plato kagabi kaya 12AM na ako nakatulog talaga. Habang nasa kubo pala kami, nagkakantahan kami nung isang pinsan ko, dalawa kami, habang kumakanta pala ako, nakatingin iyong ibang Pulis sa kubo. Nakakahiya.

Anyways, iyan lang naman ang kaganapan kahapon, wala namang bago, nakaka stress parin naman kahit Sabado at Linggo na.

Keep safe and stay healthy! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now