Part 123: Gifts

0 0 0
                                    

Naningin na ako kanina ng gifts, at may gift na ako kay Adviser ko since siya ang nabunot ko. Kay Sir Gomez, yes may ireregalo ako sa kaniya, nakahanda na at ibibigay ko nalang. Kay Sir Joco, mayroon din, kaso nastock pa siya sa shopee ko, kailan ko kaya maibibigay iyon, kinakabahan ako baka hindi sumakto sa 15, e iyon ang year end party namin kaya baka hindi umabot, so baka sa mga days nalang na wala nang pasok ko siya iaabot sa kaniya, para magkikita kami outside ng school, eme.

Gift for the fam, yes mayroon din. Kaso balak ko pang bilhin next next week na, para hindi nila iexpect na mayroon silang gift saakin, halatado naman kasi kung ngayon na ako bibili, e wala pang pasko, medyo matagal pa.

Gift for myself, lol. Wala pa akong naiisip. Kasi nakailang order na ako sa shopee, tama na siguro iyon, eme. Kung may magbibigay sa akin, edi go. Pero feeling ko wala naman e. Kaya paano iyon? Lol.

Anyways, pinaka masayang part talaga sa pasko is yung bibili ka ng gifts for your family and friends talaga. Kaya nakaka excite mag shopping kapag ganoon. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now