Part 126: Year End Party!

1 0 0
                                    

December 15, 2022

Our year end party is very fun! Napakasaya namin noong nag party kami. Ang theme pala namin is reverse, so ang mga lalaki, nakapang babae tapos ang mga babae, nakapang lalaki naman kami. Doon palang sa part na nagbibihis na iyong mga lalaki ng outfits nila, tuwang tuwa na kami, mas lalo na nung nag rampa na sila isa isa tapos nagpicture taking na kaming lahat.

Yung mga babae, pinagrampa din naman nila kami, pero mas maganda pa rin iyong sa mga lalaki, sobrang tawa ang nailabas namin sa kanila. Tapos, pinalabas sila ni Ma'am kasi pinag parada sila doon sa iba't ibang sections, kaya napuno ng tawanan iyong buong 4th floor ng 12 HUMSS students. Lalo na iyong mga advisers ng bawat sections.

Nagpicture taking kami, tapos saka kami nag pray at bumaba kami sa ground floor para doon kami maglalaro kasama iyong ibang sections na HUMSS 12 students din lang. Kaya ayon, nagsama sama kaming lahat, kaya magkakasama kami sa ibaba, para kaming magra rally sa sobrang dami namin. Pero super saya naman.

After namin maglaro ng ilang games, tumaas kami para kumain muna, tapos saka kami nag exchange gift. May kilig moments ako with Sir Joco pero sa susunod na part ko na ilalagay, para may thrill naman.

Anyways, I had fun, so much! Lalo na at nagkasama sama iyong buong sections ng HUMSS 12 students na nandoon lahat sa 4th floor, ang saya saya!  Best year end party ever ito para sa akin! Mwua!

Kayo? Nag enjoy ba kayo sa year end party niyo?

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now