Part 137: Christmas Ganap 2

0 0 0
                                    

December 25, 2022

Umaga, wala kaming ginawa. Naghanda lang kami with the fam. Nakatulog pa nga ako habang hinihintay ang oras.

2pm, naghanda na at nag ayos na kami kasi aalis na. 4pm kasi ang start ng misa sa simbahan sa bayan kaya kailangan maaga kami para may mauupuan kami. Isa isa na kaming gumalaw na mag ayos ng mga sarili namin, nauna iyong pinsan ko na makapag ayos, kasi inayusan ko. Sumunod iyong bunso namin, tapos ako, then pangalawang kapatid ko, tapos si Mama tapos last si Lola ko. Tinakasan pa namin iyong pinsan naming isa na 3 years old kasi umiiyak siya kapag iniiwan ni Mommy namin.

3:30 pm, nakasakay na kami. Pinadiretso na namin sa simbahan para hindi na kami maglalakad pa. Pagdating namin sa simbahan wala masyadong tao kaya nakakuha kami ng upuan namin doon sa may bandang hulihan, ayaw namin sa harap, masyadong malayo kasi.

4:00 pm, nagstart iyong misa. Saglitan lang naman, isang oras din lang pero hindi namin napatapos kasi iyong kapatid ko, hindi pala kumain ng tanghalian kaya nahihilo siya at nagugutom na raw siya. Nagpapasalamat naman na iyong pari sa mga nagpunta sa misa kaya umalis na rin kami doon.

Nagpunta na kami sa wharf after kasi nandoon iyong resto kung saan kami kakain kaso pagpunta namin doon, sinabi nila saamin na nakareserve na raw lahat ng upuan doon kaya hindi na pwedeng makakain doon. Sayang lang iyong pinunta namin doon kaya nagstay nalang kami saglit bago kami umalis at kumain doon sa may Inasal.

Maraming tao sa wharf. May nakakita pa saakin doon at tinawag pa ang aking pangalan. Tapos, noong nabored na kaming tumingin doon ay saka na kami umalis. Sumakay kami ulit tapos saka kami nagpadiretso sa Inasal. Maraming tao doon at naghintay kami ng 30 minutes bago kami makakain kasi matagal maluto iyong chicken nila.

After namin makakain, nagpunta kami sa arcade. Naglaro iyong mga kapatid ko doon tapos ako, nakaupo lang, kasi kakatapos ko lang kumain that time. Hindi pa masyadong nakababa iyong kinain ko sa tiyan ko. Nagtake din ako ng pictures nila tapos nakita ko doon iyong kaklase ko. Tapos, after 20 minutes ata at napagod na sila kasi marami ding naglalaro pa, umalis na kami at umuwi.

Naenjoy ko naman kahit papaano iyong labas namin. Mabuti nga at nagdala ako ng coat kasi ang lamig, sobra.

Merry Christmas everyone! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now