Part 109: Biglaan

0 0 0
                                    

November 30, 2022

Biglaang lakad with my cousins. May fireworks displays at opening of decorations kasi dito sa amin, sa mga wharfs at parks. Noong umaga nung makalabas ako ng bahay, inaya ko na sila na magpunta roon, pero ayaw nila. Edi hindi ako nagexpect na pupunta kami. Around 7pm, sinabi nila na pupunta sila, nakapalit na nga silang lahat, kami nalang ang hindi, hindi pa ako nag dinner nagpalit na kaagad ako ng damit at saka nagsapatos na ako, simpleng damit lang ang suot ko, sweater lang siya tapos tattered na pants and shoes tapos umalis na kami agad.

Sadly hindi naman naabutan iyong mga ganap doon, pero ayos lang kasi nakapasyal naman kami at nakagala ng ilang oras, kaya naman masaya din, nawala ang stress ko at kung ano ano pang mga iisipin ko sa araw na ito at bukas. Lol. Marami nanaman kasing gagawin bukas kaya mas mainam na nakapag relax ako ngayon, para bukas may lakas akong gawin ang lahat ng gawain na nakatask sa akin bukas.

Anyways, I had fun. Kasi biglaan din at naniniwala na ako ngayon na kapag biglaan, natutuloy. Kaya naman nakagala kami bago bumalik na pumasok bukas. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now