Part 127: Because Of Him

0 0 0
                                    

December 15, 2022

Okay, may dalawang kilig moments ako with Sir Joco nung year end party.

Unang una, iyong kahit sobrang daming students na nasa ibaba kasi nga nagsama sama kaming lahat na HUMSS students, ako iyong binabanggit niya, tapos naka mic pa. Naghahanap kasi siya ng mag iintermission number habang hinihintay na ma set up iyong gagamitin naming sound system, that time kasi is iyong bluetooth speaker na may mic lang iyong gamit namin. Sa iba't ibang sections, may binabanggit silang pangalan kung sino iyong mag iintermission, tapos sa section namin, dalawa kaming binabanggit. Ako iyong nakita niya, tapos binanggit niya iyong name ko, sabi niya " Okay, kakanta daw si Corrine." Tapos lumapit pa siya sa akin.

Second, is after na namin mag games non, sumandal ako sa lamesa kasi ang init, binilad kasi kami sa initan nandoon kami sa oval, kaya ayon, napagod ako kaya sumandal muna ako sa lamesa, maya maya naglakad si Sir Joco palapit tapos umupo siya doon sa lamesa kung saan katabi ako, tapos nagsalita siya sa mic, sabi niya " Kung mayroon kayong request na kanta, kakantahin namin." Sabi niya. Nakita niya akong nasa gilid niya paglingon niya, kaya tinanong niya ako " Corrine, anong favorite song mo?" Sabi niya. Hindi ko naman siya favorite song na sinabi ko, biglaan ko lang na sinabi, ang sagot ko is " Killing me softly." But before ako sumagot, tinanong ko muna siya, " Sir, kakantahin mo?" Tapos ang sagot niya " Oo, kakantahin ako." At ayon, kinanta niya nga sa harapan ko iyong Killing Me Softly na sinabi ko.

Nilapit ko pa sa tainga niya iyong bibig ko kasi maingay, at hindi niya ako marinig. Omg, grabe iyong kilig ko, tanungin ka ba naman kung anong favorite song mo tapos kakantahin niya sa harapan mo? Omg!

Ayon, napakasaya ko lang. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey حيث تعيش القصص. اكتشف الآن