Part 71: Day 1 Examination

0 0 0
                                    

October 27, 2022

First day ng exam is okay lang for me. Nakapag review naman ako kaya medyo madali siya para sa akin, nagbasa kasi ako noong gabi bago magexam, tapos noong umaga din before ako pumasok sa school to take the exam. Familiar ako sa mga nabasa ko sa test paper kaya naman hindi ako nahirapan sa pagsagot. May mga times lang na hindi ako familiar sa ibang tanong, kaya naman doon ako nahirapan na magsagot, pero all in all, goods naman siya for me.

Hindi ba 4th floor ang room namin, sa 3rd floor kami pinag exam na mga babae, tapos may nagbantay sa amin na practice teacher ata iyon or teacher na talaga siya. Hindi ko sure, basta babae siya tapos binantayan niya kami habang nageexam. And then, maaga din kaming nakauwi noong day na iyon kaya kapag tapos ka na magsagot sa lahat ng subs, pwede ka nang makauwi.

May technique pala ako sa pagsagot. Kasi 1 hour lang ang nakalaan sa every subject na ite-take namin, kaya kailangan focus ka talaga para hindi ka lalagpas sa oras na magsagot. Kapag may hindi ako alam or hindi ko masagutan na number, nilalagpasan ko muna iyon, tapos saka ko na babalikan kapag tapos na ako sa lahat ng items. And then, kapag tapos na ako, nirereview ko pa siya para naman mapalitan ko pa yung mga answers ko na hindi ako sure or biglang nagbago ang isip ko sa isang sagot ko, bago ko siya ipapasa sa Teacher.

Sana naman makapasa ako, kahit sa ibang subjects lang. Pero mas better kung papasa ako sa lahat, diba? Goodluck sa mga nag exams din, sana makapasa kayong lahat! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now