Part 15: Staring

0 0 0
                                    

September 5, 2022

Nag tambay ako sa kubo noong umaga, kaya wala naman na akong ibang gagawin before going to school. Maliligo nalang at saka kakain, at magpapalit bago kami aalis ng kapatid ko. Nasa labas ako, nilalaro si Avi, tapos sinabihan ako ng pinsan ko na nakatingin daw sa akin yung Pulis. Ako naman, nilingon ko, to confirm kung nakatingin nga ba sa akin, and to my surprise, nakatingin nga sa akin, hindi lang sa time na yon, buong oras ata na nasa labas ako, nakatingin siya, kaya medyo kinikilig ako. Syempre, alam niyo naman. Hanggang sa pagpasok ko, at nakabihis na ako, at ready na akong pumasok, nakatingin siya sa akin, hindi ko alam kung bakit, pero bahala na. Basta kinikilig din ako, wow.

Hapon, nasa school na ako, nakaramdam ako nang hindi maganda sa katawan ko, sumakit ang ulo ko, hanggang batok to forehead, and nakakaramdam ako ng hilo, para din akong masusuka. Pero kinaya naman hanggang uwian. Habang pauwi, mas lalo kong naramdaman ang hilo ko, at parang masusuka ako. Syempre, gumawa ako ng mga kailangang gawin bago ako natulog. Itinulog ko na nang maaga dahil masakit talaga ang ulo ko, at hindi ko nakayanan.

Be healthy sa inyo always. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now