Part 10: Elected As?

1 0 0
                                    

August 31, 2022
10:59 PM

Medyo maganda ang takbo ng pag alis namin kanina kaya maganda ang flow ng time management ko. Medyo late kami sa 10:30 am umalis ng bahay, pero sakto lang naman, at maghihintay kalang ng ilang minuto bago dumating ang key holder namin sa room. Kanina sa recitation, maayos naman, nakailang taas ako ng kamay, at sana magtuloy tuloy iyon hanggang dulo, para mas lalong tumaas ang grades ko, at makakuha ako ng honor ko bago makagraduate at sa graduation mismo. Nag excell ako ngayon sa recitation, kaya naman nasiyahan ako. Ang galing galing ko kanina. Lol.

And also, na elect ako as Practical research leader, so wala akong nagawa. Kanina kasi, maraming sumisigaw sa name ko, kaya nakuha nila ang atensiyon ni Ma'am namin, kaya ako ang natawag, at ayon na nga, ako na ang pinili nila, kaya isa ako sa lima na napili para maging leader ng practical research namin, kaya ko naman siguro, naging leader ako noon sa Prac-Re 1, kaya sana makayanan ko din ngayon, of course, with the help of my group mates na din, para maitaas namin ang grades ng bawat isa. Nagmeeting din kami kani kanina ng mga officers kung anong gagawin sa room, at by Monday, maguusap usap naman kami sa room kung anong further na gagawin namin.

Noong pauwi kami, hassle kasi walang takip ang tricycle na sinakyan namin, kaya nabasa kami pauwi, halos maligo na talaga ako dahil sa sobrang lakas ng ulan, kaya nang makauwi ako, naligo ako kaagad. Nabasa ang sapatos ko, mabuti at iyon lang, hindi naman naputikan.

Bukas, magaadvance reading na ako, gagawa na ako ng mga activities at assignments ko, etc.

Kapag ganitong oras, nag update at currently nagsusulat na ako dito sa book na ito, meaning, tapos na akong magsulat sa naunang tatlong stories na sinusulat ko. Bukas, sasamahan ko ang Lola ko sa bayan, kaya sana makagising ako ng maaga naman. And also, may kukunin din naman ako doon at bibilhin. May tutulungan na din akong bata na bilhan siya ng mababaon at makakain niya, since kulang sila sa budget, basta ganoon.

Birthday ni Jungkook bukas! Ayan din ang isa sa ise-celebrate ko.

Anyways...

Stay safe and stay healthy. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Место, где живут истории. Откройте их для себя