Part 129: Leather Bracelet

1 0 0
                                    

December 14, 2022

Naibigay ko na iyong bracelet kay Sir Joco. Sinabi niya nga saakin na wala daw siyang pambayad sa ganoong kamahal na regalo, tapos binibiro niya ako na hindi naman daw siya mayaman pero nagmukha siyang mayaman doon sa bracelet na ibinigay ko sa kaniya.

Sabi niya pa sa akin " Ikaw nga ang magsuot saakin para alam natin kung kasya." Masunurin ako e, kaya ako mismo ang nagsuot sa kamay niya nung bracelet, and good thing, kumasya naman sa kaniya iyong bracelet na iyon, sabi niya sa akin " From now on, I'll wear this everytime, iingatan ko ito."

Tinanong niya pa ako, " Hindi ba parang ang mahal nito para ibigay mo lang sa akin?" Hindi ako kaagad naka respond kaya sinabi ko sa chat iyong dahilan bakit ganoon kamahal iyong gift ko. Sabi ko " Mahal, kasi kamahal mahal iyong pinagbigyan."

Hanggang uwian naman nakita kong suot niya at hindi niya ni-break iyong promise niya sa akin or namin sa isa't isa, sabi ko kasi wala sanang makaka alam na nagbigay ako ng ganoong regalo, after kong ibigay iyong gift, tinago niya kaagad sa bag niya iyong box na kasama ng bracelet para walang makakita na nagbigay ako ng ganoon, nakaka touch. Kasi tinutupad niya, kahit ni-myday niya iyong bracelet, hindi niya ginawa para wala talagang maka alam, kaming dalawa lang. Yay!

He likes it. He loves it. He wants to wear the bracelet everytime. The smile on his face tho, so cute! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now