Part 150: Games ft. Bonfire

0 0 0
                                    

January 1, 2023

Uuwi na mga pinsan namin bukas kaya sinulit namin iyong time na magkakasama kami. Nagvi-videoke kami sa harap ng bahay pero since wala kaming boses lahat at paos kami, hindi na kami sumama pa. Tumambay nalang kami sa kubo kasama mga pinsan namin, nagtipon kami doon tapos saka kami naglaro. Iyong una, iyong helmet na isusuot tapos papaluin ka sa ulo at huhulaan mo kung sino iyong namalo, kaya ayon, naglaro kami. Nagtagal kaming maglaro non kasi masaya siya tapos tawa kami nang tawa lahat.

Iyong second game is iyong bato-bato pik tapos kung sino ang talo, siya ang pupukpukin ng bote ng coke na plastic bottle sa ulo, nakarami ako ng panalo doon kaya kawawa iyong pinsan ko sa akin, tawa sila nang tawa kasi halos hindi manalo saakin iyong pinsan ko, at siya nalang lagi ang pinapalo ng bottle.

Third game is iyong magbibigay ng name ng country, fruits, at ads gamit ang initial ng alphabets. Nakarami din ako doon, kaya naman iyong tatlong kalaban ko, nagrereklamo bakit alam ko daw lahat, kaya sila palagi ang napapalo ko. Talo sila sa akin.

Fourth game namin is iyong multiplication, addition, at multiplication naman kaso hindi ako sumama, nanuod muna ako, ang nakarami naman ng panalo doon is ang kapatid ko. May game pa kaming saglitan na iyong ii-english namin iyong sasabihin ng magpapalaro tapos iyong sasabihin niya is Tagalog. Ilang try lang ginawa namin doon kasi masyadong mahirap, kaya hindi namin tinuloy.

Fifth game is iyong magpapatawa iyong isang taya tapos kung sino iyong tatawa na may labas ang ngipin, siya ang susunod na taya, kaunting oras din lang namin ginawa iyon kasi nahirapan iyong taya na mapatawa kami.

Tapos ang highlight dito is, nabored kami kaya may nakaisip na mag camp kami sa labas, kaso masyadong madilim na at wala naman kaming tent, mahihirapan din kaming gumawa ng tent na gamit ang kumot kaya sabi namin bonfire nalang. At ginawa nga namin siya. Nagtipon kami ng mga kahoy, tapos gumawa kami ng bonfire. Ang saya kasi iyon ang unang bonfire experience ko at ang kasama ko ay ang mga pinsan ko, nakagawa kami ng core memory ngayong araw, kaya napakasaya ko.

Ito kasi ang unang bonfire experience ko, kaya masaya ako tapos mas lalo akong sumaya kasi mga pinsan ko pa ang kasama ko, super saya! Mausok din ng slight kaya nagsorry kami sa mga Pulis kaya nakatingin sila saamin dahil nausukan sila sa ginawa namin. Tapos, nagpicture taking kami, after non, pinatay na rin namin tapos nagkwentuhan nalang kami ulit sa kubo.

May away pa na nangyari at pinuntahan iyon ng mga Pulis kaso pumasok na kami sa bahay at hindi na namin nalaman at nakitang nakabalik ang mga Pulis.

This is the best memory for me this year. Napakasaya ko! Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now