Part 73: Cheaters

0 0 0
                                    

Sa exam, may hindi maiiwasang circumstances na may mga cheaters. At naka encounter ako ng ganoon sa Day 1 at 2 ng exam namin. Unfair for me, kasi nagpapakahirap akong magreview for our exam, kaya naman kailangan kong isumbong. Hindi naman sa against ako sa pagtutulungan nila para makapasa, pero unfair siya for me lalo na sa ibang students na hindi nangongopya para makasagot sila ng maayos sa test paper. Day 1, may sinumbong ako sa Teacher namin sa isang subject, kasi ginawa niya pang lockscreen yung sagot para doon sa specific na tanong sa isang part ng test paper. Hindi na siya napansin ng nagbabantay saamin, mabuti nalang nakita ko, at noong nagsumbong ako, pinakiusapan ko iyong Teacher na huwag niya nang sabihin sa klase at saka gc namin kasi nakita ako noong nangongopya na nakita ko siyang ginagamit niya iyong phone niya habang nagsasagot, sinabi naman ni Sir na hindi niya daw sasabihin, kaya binigay ko iyong name noong nangopya sa phone.

Day 2, mayroon, same person pero may nadagdag na isa. Nagsesenyasan sila ng sagot, same sila ng subject na sinasagutan, at alam ko kung anong subject iyon kaya sinumbong ko siya sa subject teacher namin which is si Sir Joco. Subject ni Sir Joco iyong sinasagutan nila habang nagkokopyahan, kaya naman sinabi ko. Hindi ko alam kung masama ba ako kasi againts ako sa ways nila kung paano pumasa. Saakin kasi, bilang nagpuyat at nagpakahirap na nagreview all by myself para pumasa ay napaka unfair para sa akin, kaya naman kailangan kong isumbong at ireport sa Teachers ko. Hindi ko kasalanan kung hindi sila nagreview at hindi nila tinutulungan ang sarili nila na makapasa, kaya nangongopya sila sa ibang classmates para makapasa at mailagpas ang subject na sinasagutan nila.

Unfair for me. Kaya sorry, nagsumbong ako. Better luck next time. Nasa harapan niyo ako e. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now