Part 103: General Practice

0 0 0
                                    

November 23, 2022

Nakapasok na ang mentor namin kaya naman siya na ang nagturo kanina. Nagpalate lang ako kanina dahil may tinapos din ako at ayaw ko nang gawin ulit iyon sa susunod na mga araw, ayaw kong matabunan ng gawain kasi baka umiyak na ako kapag ganoon. Kidding. Nakapag practice na kami kanina at mas naging higher ang note ko. Sharps na iyong kinakanta namin at octaves octaves na, sino ka diyan. Pero kaya ko naman kaya ayos lang saakin, and also, last year na namin, ito lagi ang sinasabi ko, na last year na namin sa school namin kaya gina-grab ko na lahat ng opportunities na mayroon sa school na kaya ko namang gawin at isabay sa studies ko.

General practice na namin hanggang Friday, kasi by Saturday doon na kami magpeperform at una kaming performer, kaya kailangan ay maayos na namin ang performance namin at yung songs na kakantahin namin of course. Maayos naman na, nililinis nalang at inaayos nalang ang mga pasaway na choir members.

I'll update you about our performance on Saturday. November 26. Mwua!

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now