Part 25: Tree Planting

0 0 0
                                    

September 17, 2022

Kagabi, chinat ako ng mga kasama ko for Girl scout na kung available ako na sumama na for tree planting. Sumama kasi kami ng contest for tree planting, e ang girl scout lang sa amin doon sa section namin is apat, so kanina, nagkita kita kami sa bayan. Nauna kami nung isa ko pang kasama, kaya naman nag order muna kami sa Mcdo ng lunch namin. Noong nagkita kita na kami sa plaza, doon na kami sumakay sa sakayan papunta doon sa bahay ng classmate ko, doon kasi kami sa bakuran nila magtatanim, kaya doon na kami nagpunta kaysa naman sa kung saan kami magpunta at magtanim tanim.

Noong nasa bahay na nila kami, tinignan muna namin at inayos namin ang spot na pagtataniman namin. Tapos kumain muna kami bago kami nag umpisang magtanim. Nauna nila akong picturan, tapos sumunod na din yung iba sa akin. Nakakatuwa nga kasi first time kong mag tree planting, tapos kasama ko pa mga friends ko, kaya nakakatuwa, ang saya. Nagtatawanan pa nga kami dahil biglang bumuhos ang ulan sakto na matapos kaming magtanim at kumuha ng litrato, tapos pawisan kami noong pumasok at bumalik kami sa bahay nila.

After namin, naglinis kami ng kamay, nagpatuyo kami ng pawis, nagpahinga kami bago kami nag lunch, at bago kami tumambay saglit tapos umalis na din kaming tatlo, tatlo nalang kaming bumalik sa bayan. Nagpaalam naman din kami of course sa parents niya.

Tapos, syempre, marami akong pera na hawak, hindi ko nanaman napigilan ang sarili kong bumili ng hair clips. Dalawang pairs nanaman ang binili ko, and bumili din ako ng isang pair ng earrings. Para may bago akong pair ng hikaw, bumalik sa tatlo ang hikaw na nakalagay sa tainga ko.

Natulog ako nang makauwi ako. Hindi na ako kumain sa bahay kasi busog naman na ako. Tapos noong magising na ako, hapon na hapon na. May ulam na ako nang makagising na ako, tsaka kanin, tapos inaya nila akong kumain ng ice cream.

Masakit pala din ang likod ko, kasi nagbasketball ako kahapon, ishare ko sa inyo sa next chapter.

Bye!

Hey! It's Me! ( Book 4) The Journey Where stories live. Discover now