Chapter 1

93.4K 2.2K 184
                                    

Chapter 1

Ellie Oceana

Napahinto ako sa bukana palang ng pintuan nang mapansin ko ang kalat-kalat na pares ng mga sapatos sa labas. Tumaas ang aking kilay nang mapagtanto ko ang ibig sabihin nito. Tapos na talaga ang bakasyon kaya bumalik na rin ang mga kaklase kong nagsiuwian sa kani-kanilang probinsya. Kumpleto na ulit sa paborito naming tambayan!

Hindi na ako nag-abala pang hubarin ang sapatos ko at ihalo sa kanila. May kaunting excitement ay dere-deretso akong pumasok sa loob ng sala. I barely ignored Wesley making out with Yumi at the kitchen counter. Napuno ng usok mula sa sigarilyo ang sala ng bahay ni Rica at tawanan mula sa umpukan ng barkada. I readied my big smile dahil talagang na-miss ko ang mga kaibigan ko.

"Ellie! 'nak ng..gumanda ka ah! Ano'ng ginawa mo?"

Dere-deretso akong sumalampak sa malapad nilang sofa habang nakadaong sa akin ang mga pagbati nila. I even saw Wesley interrupted with my presence. I smirked. Nilingon ko si Andrew. "Natulog? Kain at saka tulog! Ang daya n'yo hindi kayo nagpasabing magsisiuwian kayo sa mga probinsya n'yo!" Tudyo ko. Though, alam ko naman kahit na yayain nila ako ay hindi rin naman ako papayagan ni Tita Flor. At malamang, ipapaalam pa iyon kay Mama. Ang dyahe!

"Akala mo naman, papayagan siya.."

Napahinto ako sa pagdakot ng Piatos at nilingon si Rica na kasalukuyang nakikipaglampungan sa nobyo niya. I made a face at her. Kung para sa kanilang lahat ay mas kilala niya ako at siyang pinakamalapit na kaibigan ko.

"Ligawan na kita, Ellie?"

Napahinto kami sa tawanan ni Rica nang biglang sumingit sa usapan si Alec. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o ipagpapasawalang-bahala na lamang. Two months ago, ay panay ang pahangin niyang liligawan niya ako. That time, may girlfriend pa siya, kaya paanong gusto niya akong ligawan? Tiningnan ko siya at saka inirapan, "Pumila ka." Sagot ko. Sinundan naman iyon ng tawanan ng lahat. "Wala pa ba kayong balak na pumasok? Magwa-one na ah.."

Tumayo si Rica at nilapitan ang pintong nakasara. Kumunot ang noo ko, ano'ng meron doon?

Napabaling pa ako kina Wesley nang tumawa ito sabay subo ng sigarilyo. "Hinihintay pa namin matapos si Iñigo, nag-enjoy ang loko." Tudyo niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang mapaisip kung sinong Iñigo ang tinutukoy niya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong barkada. Kumpleto naman sila rito maliban kay Iris na malamang ay nasa classroom na, ayaw kasi no'n na sumamang tumambay dito lalo na't uubo lamang iyon ng usok ng sigarilyo.

Kinatok ni Rica ang kwarto. "Hoy! Kanina pa kayo d'yan! May pasok pa tayo!" Sinundan pa niya iyon ng hagikgik.

Napaawang ang labi ko..hindi kaya. Oh, no! Tinotoo nila ang secret deal?

Bago pa ako makapagtanong ay bumukas na ang pinto ng kwarto at unang lumabas ang babaeng nagmamadali pang suklayin ang buhok at hatakin ang humilis na maiksing palda niya, Si Karissa ba iyon? She had her lipstick smudged! Damn it! Uminit ang magkabila kong pisngi nang mapagtanto ko ang namuong eksena sa loob. Lalo pa ng ang sumunod sa kanya ay ang nagbibihis na transferee last year na si Iñigo Sandoval. He look..eww!

Patagong tinawanan ni Rica ang babaeng dumaan sa harapan niya. I know Karissa. College student na ito na pumapasok sa kolehiyong malapit sa eskwelahan namin. Dati kasi ay hanggang balita lang ang alam ko na pumapatol ito sa mga High School students, but knowing that we're all Juniors, ha! Confirmed!

Napuno ng buyo ang sala pagkatapos makaalis ni Karissa. Binato pa ng crumpled tissue ni Mark si Iñigo na ngayon ay may malapad na ngisi. Akala ko pa dati matino 'to, kaugali lang pala nina Wesley. I scoffed.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon