Chapter 28

77.3K 2.5K 784
                                    

Chapter 28

Ellie

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa. Ni hindi ko magawang sundan ang anak para kausapin dahil naunahan ako ni Ridge. Gusto kong ipaliwanag kay Shane, pero paano kung siya mismo ang nakakita sa pagsampal ko sa ama niya? Napayuko na lang ako sa lamesa at na-frustrate sa sarili.

I was thinking of another explanation, nang maramdaman ko ang pag-asim ng aking panlasa at pag-akyat ng mapait na likido sa aking lalamunan. Agad kong tinakpan ang bibig at tumayo, dumukwang ako sa lababo at doon sumuka. Hindi ko makontrol ang aking lalamunan, sumakit ito at tila naninigas sa pagpwersa. Inilabas ko na yata lahat ng kinain ko ngayong umaga. My eyes pooled by my unwanted tears. Hindi ko kaagad namalayan ang isang mainit na kamay ang humahagod sa aking likuran at hinawi ang aking buhok mula sa aking mukha.

Binuksan ko ang gripo, pinatulo upang luminis ang sink. Naginhawaan naman ako sa paghawi ng aking buhok at naghilamos ng bibig. The downside of being pregnant, there are changes in my body that I hate the most. Ang mahilo at magsuka. Ganito rin ako noon kay Shane. Na halos maiyak-iyak na ako sa pagsusuka, tapos ay wala pa akong kasama. I look up the person at my back, I saw worries etched on his very handsome face. Doom! The recognition in my head suddenly changed. Pinatay ko ang gripo at umayos ng tayo. I used the back of my palm to clean the drips of water on my mouth.

Pero pinaharap niya ako at nag-crouch nang kaunti upang magpantay ang aming mukha. He look at me, gamit ang kuwelyo ng suot na T-shirt ay banayad niyang tinuyo ang naiwang tubig sa aking labi at sa mukha. Natigilan ako roon at napatitig sa kanya. But he looked so serious drying me.

He inspected my face, and stared on my lips. "Nahihilo ka pa ba? Gusto mong magpahinga muna..ako na ang bahala sa anak natin." He suggested.

I gasped at his words. Agad na namuo ang luha sa aking mga mata. Fuck this emotions. Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak sa akin at tinulak siya. I shook my head, "Okay lang ako. Kakausapin ko si Shane." I said.

Tinalikuran ko na siya para umiwas pero nahilo ako at kamuntik pang matumba—maagap niya akong nahawakan sa baywang ko.

"Fuck." He cursed. Humila siya ng upuan at dahan-dahan ako roon na pinaupo. "Nagpa-check up ka na ba?"

Hindi ko siya sinagot. My head was spinning around. Kaya nananahimik muna ako hanggang sa tuluyang humupa ang hilo ko. Naramdaman ko rin ang paghila sa isa pang upuan at tinabihan ako. Alam kong tinititigan niya ako. He reached for my hand and sealed it with his warm lips.

Tumibok nang napakalakas ang puso ko. I stopped myself to look at him, kahit na hinihila ako ng kaluluwa niya.

Pinugpog niya ang halik ang aking kamay. Napalunok ako.

"I already talked to our son. I explained what happened, so you don't have to worry. Magpahinga ka muna.." malambing niyang payo sa akin at pinirme ang labi sa likod ng palad ko.

"Hindi mo na 'to kailangang gawin. Umalis ka na." Matigas kong sabi. Hinatak ko ang aking kamay.

"I will never do that."

Matalim ko siyang nilingon. "Anong gusto mo?"

"Kayo, ikaw, ang mga anak ko." he straightly answered.

Nag-init ang mukha ko. Sa pinaghalong inis, galit at ibang emosyong hindi ko mapangalanan. I scoffed to cover my feelings. "Hindi kami sasama sa 'yo. I raised my child without you and we survived. So I can raise my second child without you too and we will survive." Matapang kong sagot sa kanya. I still have this guilt in me. "Huwag mo na ring saktan pa si Iris." Halos pabulong kong huling sabi.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now