Chapter 20

74.6K 2.3K 276
                                    


Chapter 20

Ellie

Kauupo ko pa lang sa aking computer chair nang bumukas ang pinto ng opisina at sumilip si Emma, "Ma'am Ellie nandyan na po iyong sundo niyo." She informed me.

Nangunot ang noo ko. Ito ang unang beses na tinawag pa ako ni Emma para sabihan na nandito na ang sundo ko, dahil kusang dumederetso si Ridge sa opisina para sunduin ako. I was stunned for a while bago ko kinuha ulit ang bag ko. Hindi ko na naman ginalaw ang bag dahil halos kararating ko lang din. Mabuti na lang at mas mauna pa ako sa kanya.

I took a last look on my desk bago ako tuluyang lumabas ng office. Again, may customer ulit sa labas na inaasikaso nina Emma. Another big customer, I guess. Pero dahil paalis na ako ay sila na ang umasikaso. Sa entrance ng tindahan ay naghihintay at nakatayo roon ang driver ni Ridge. Magkasalikop ang mga kamay sa kanyang harapan at nakatingin sa akin. I walked a few strides, gumilid siya at pinagbuksan ako ng pinto. But I stopped bago ako makalabas.

"Nasaan si Ridge?" tanong ko.

Tumikhim siya bago nagsalita, "Nasa bahay na po, Ma'am."

Napatitig ako sa kanya saglit. Nasa bahay na siya? As far as I can remember, he never missed to fetch me here, ngayon lang. Kahit na hindi kami nagpapansinan ay siya pa rin ang sumusundo sa akin. Those heavy breaths were our means of communication. Kaya, bakit ngayon ay wala siya? Busy? Okay, never mind. Nagkibit-balikat na lang ako at saka pinuntahan ang sasakyan.

Habang nasa byahe ay nakikibalita pa rin ako kay Rica kung kamusta na si Shane. We're exchanging text messages.

Rica: He's fine now. Hindi na tumaas ulit, nakita ka lang gumaling na.

Napangiti ako roon.

Ako: Thank you, Rica. I owe you guys a lot. Love you.

Papasok na kami sa garahe nang mabasa ang reply niya sa akin.

Rica: Ito naman! Parang others kung umarte. Tumawag nga pala si Wesley kani-kanina lang, nag-aayang lumabas kasama sina Andrew at Alec with their girlfriends. Go ka ba? Pupunta kami ni Mark kung sasama ka.

Tumaas ang mga kilay ko. My high school friends! Matagal-tagal na rin noong huling nagsama-sama kaming lahat. The last time was not that good though. Pakiramdam ko nga ay naputol na ang pagkakaibigan namin dahil doon. Ridge was involved too. And when I lost them, I lost Ridge too. Tapos ngayon, nakaramdam ako ng pananabik na makita ulit sila. Ang mga kalokohan at kulitan. Nang bumalik si Ridge, nandyan na ulit sila? Napailing na lang ako.

Dahil sa pagre-reminisce ko ay nakaligtaan ko nang replayan si Rica. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at magalang akong hinintay na lumabas ng driver niya. "Salamat." I acknowledge him being a gentleman.

As usual, tahimik ang bahay pagkarating ko. Magbibihis na muna ako bago pumunta sa kusina, I want to help Nats sa pagluluto para naman hindi ako mainip sa kwarto. Nasa ikalawang baitang na ako nang makarinig ng mga halos malalakas na katok sa aking kaliwa, malapit sa opisina ni Ridge. I got curious. Kaya dahan-dahan akong bumaba at pinuntahan ang opisina niya. I saw Nats holding a tray of food on her left hand and using her right hand to knock against the wooden door. Sa itsura niya ay para bang kanina pa siya kumakatok dito.

Pagkatapos ng ilang katok ay tatawagin niya ito sa loob. "Ser..Ser.." she was listening after every knock.

Nilapitan ko siya at kinausap. "Ayaw sumagot?" I abruptly asked. Napaigtad siya gulat nang marinig ako, so I mouthed sorry to her.

Hinawakan niya sa parehong mga kamay ang tray. "Opo, Mam Ellie. Kanina pa po akong pabalik-balik mula kaninang umaga pag-uwi ni Ser."

"Kanina pa siya nandito sa bahay? 'Di pumasok?" naka-suit na siya nang hinatid ako kanina, kaya bakit siya umuwi.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now