Chapter 18

65.7K 2.3K 561
                                    

Chapter 18

Ellie

Hindi ko na alam kung ilang beses akong tumingin sa salamin at sinipat ang sarili. Even in my shower, titigan ko pa muna ang sarili, lalo na ang mukha para tingnan ang kulang. I know that this is ridiculous but I just can't help it. I shouldn't be conscious, I shouldn't be affected. But look at me now, bothered. I chastised myself, but I don't think it would help me though.

Magiliw sa akin sina Emma, lalo na kapag nariyan si Ridge. I felt that she would add more effort in front of him. Hindi naman siya nagpapakita ng magaspang na ugali sa akin kapag kami na lang ang naiiwan pero hindi rin ganoon kagiliw katulad ng kay Ridge. I wonder who was the former COO before me. They had been comparing me with her. It's her, since they called her 'ma'am' when I accidentally eavesdropping. Hindi ko na iyon binanggit kay Ridge, wala rin akong lakas ng loob.

I think I had neglected my vanity side when I got pregnant. And it was inevitable since I don't have the means to buy makeup even a simple lipstick. Walang-wala ako noon. At ang iniisip ko lang ay kung paano ko bubuhayin ang baby ko. Every cents matter to me. Nobody asked me to do that, but now, hearing peaple saying things about me, doon ko lang din napansin iyon. Bilang babae ay naapektuhan ako. Na kahit gusto kong ipagpawalang bahala ay hindi ko magawa. Maybe, I can use the things Ridge gave to me. Wala naman sigurong masama roon.

"Nats meron ba kayo d'yang tupperware?" nilingon ko si Nats na naghahain sa mesa. Maaga akong tumayo para makapagluto ng agahan at babaunin sa opisina. Tulog pa si Ridge sa kwarto, buti nga at hindi masyadong nakapulupot sa akin at nakabangon ako ng walang kahirap-hirap. Iniisip ko ring igawa siya ng baon, tanungin ko muna.

"Meron po, Mam," sagot niya sa akin. pagkatapos ng ginagawa ay binuksan niya cabinet sa taas ng sink at nilabas ang hinihingi ko. "Okay na po ba ito, Mam Ellie?" she asked me.

Pinatay ko ang kalan at tiningnan ang hawak, "Okay na 'yan."

Hinugasan niya iyon at saka nilagay sa mesa. Hinango ko ang nilulutong sinangag na kanin bago ihain sa mesa. Pagkatapos ay kumuha ako ng bagong saing na kanin sa rice cooker at sinandukan ang tupperware, nilagay ko iyon sa ibabaw ng mesa para palamigin na rin bago ko lagyan ng takip. In another plastic box, naglagay naman ako ng ulam. Pinalamig ko rin.

Natigilan lang ako nang pangmasdan ang babaunin ko. Napanguso ako. Simpleng pagkain lang naman ito, pero kasi baka mamaya ay masabi pa siya. So in the end, I turned around and get another lunch boxes. May ilan pang natira kaya ginawa ko na rin ng lunch si Ridge. Kung babaunin niya, edi okay. Kung hindi, edi okay lang din. Basta nag-effort ako at naisip ko siya.

I startled when a large angry voice bombarded the house.

"Nancy!!" sigaw ni Ridge mula sa salas.

Napalingon ako roon at napahinto sa ginagawa. Si Nats naman ay patakbo nang lumabas para puntahan siya. Sa sobrang tahimik ng bahay ay parang kidlat ang dating ng sigaw ni Ridge. It could even shake up his neighbors.

"Bakit po, S-ser?" her voice shook. Sino ba namang hindi kakabahan sa lakas ng boses niya at tila mainit pa ang ulo.

"Nakita niyo ba si Ellie?" galit niyang tanong dito.

Ginambala ako ng malakas tibok ng puso sa dibdib nang marinig ang pangalan ko. Binaba ko ang sandok at sinundan na rin sa labas si Nats. And when I see him, he was only wearing his boxer shorts and a white T-shirt. Magulo ang buhok at hindi pa yata naghihilamos bago bumaba rito. "Ridge.." tawag ko sa kanya, "Bakit?"

Nang magtama ang mga mata namin ay para bang tumakbo na siya ng pagkalayo-layo. Mabilis ang kanyang paghinga. Kumunot ang noo ko. Once in my life, I even recalled myself that I once called him an Angel. Sa unang umagang nagkasama kami, sa unang umagang nakita ko siya sa pagdilat ng mga mata niya, para siyang anghel. And right now, when he looked at me..I saw that Angel again. Tila may nalukot sa dibdib ko habang tinitigan ko iyon. He was an angel.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon