Chapter 13

64K 2K 567
                                    



Chapter 13

Ellie

"Bakit ngayon pa?" inis kong bulong sa sarili nang sa paglabas ko ng opisina ay bumubuhos pala ang malakas na ulan. Nilingon ko ang mga kaklase kong kasabay kong nag-o-OJT sa isang Travel Agency. May mga dala silang payong pero hindi pa rin umaalis dahil masyado pang malakas ang ulan.

"Baha na raw sa Balintawak," Ana uttered. Nakatingin pa ito sa cellphone niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Wala pa naman din akong dalang payong. Kaya hinintay ko munang humina-hina ang ulan bago pumara ng jeep. But this would be really a bad day for me. Dahil pagkatapos humina ng ulan ay nahirapan naman akong sumakay ng jeep at palaging punuan. May nakasabit na nga sa labas. Lahat ng dumaraan na jeep ay punuan na.

Naglakad-lakad ako at naghintay sa waiting shed. Umabot na akong sa puntong handang makipagbalyahan sa pagsakay pero palagi akong nasisiko o 'di kaya ay hindi na ako nakakasakay dahil sa sobrang sikip. Iyong tipong nasa loob na ako ng jeep tapos no choice at kailangan kong bumaba ulit dahil wala na talaga akong mauupuan. Halos napakandong na nga ako doon sa isang babae pero agad ding nairita.

I waited for one—two hours and thirty minutes waiting for the jeepney. Papatusin ko na nga ang mag taxi makauwi lang pero wala na akong nakikitang bumabyahe. Tinatawagan ko si Tita Flor pero hindi naman sinasagot ang cellphone niya. Naiinis na rin ako. Bakit hindi niya ako kinokontak? Hindi ba siya nag aalala sa akin na hindi pa ako nakakauwi sa bahay? O baka naman may kasama na naman siya. I called a million times—still she hasn't picks up the phone. Napipikon kong binaba ang cellphone ko at tinanaw ang maluwag na kalsada. Hindi ko naman kayang lakarin, dahil kahit mag MRT ako ay malayo pa rin. Fuck.

"Huy, Ellie. Parang mai-stranded tayo dito, balak na naming magpagabi na lang sa malapit na motel dito,"

I looked at Ana. Umiling ako, "Hindi pwede. Hindi sumasagot ang Tita ko. Mag-aalala 'yon e," or maybe not.

"Gano'n ba? Pa'no 'yan? Mukhang hindi titigil ang ulan at tataas pa ang baha. Mag iwan ka na lang ng text message. Tutal naman ay wala tayong pasok bukas," she suggested.

I thought of it. Pero kasi..may isang tao na baka hanapin ako bukas sa bahay tapos ay hindi ako makikita doon. Bukod sa Tita ko ay iniisip ko rin siya.

And as if on cue, my phone rang. Agad ko iyong tiningnan at baka ang Tita ko na—but it's Ridge! "Hello, Ridge,"

Agad akong naramdaman ang pag aalala sa boses niya. And his background was a bit noisy.

"Nasa'n ka na? Nagpunta ako sa inyo pero ang sabi ng Tita mo ay wala ka pa raw. Are you stranded in your office?"

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. "O-oo. Nandito pa rin ako. Nahihirapan akong makasakay,"

Even if he tried to lower his voice, I still heard him curse. Hard. "Saang lugar ka eksaktong naghihintay?"

"Dito sa waiting shed. Tapat ng office,"

"Sino'ng kasama mo?"

"Mga kaklase ko lang din,"

"Okay. Don't go anywhere, you understand? Susunduin kita,"

"Pero Ridge delikado. Malakas pa ang buhos ng ulan—"

"Walang akong pakielam. Basta susunduin kita d'yan. 'Wag kang hihiwalay sa mga kasama mo, understand?"

"S-sige..Mag iingat ka, Ridge, mmm?"

He sighed, "I will. Wait for me."

Napatitig na lang ako sa screen ng phone ko. Hindi makapaniwala na sa gitna ng malakas na ulan ay susunduin ako ni Ridge. I thought of calling him too pero hindi ko ginawa. Busy rin iyon sa school niya at mas mahirap ang kursong kinukuha. But the effort that he's going to commit, I'm just falling harder.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon