Chapter 17

67.1K 2.5K 313
                                    


Chapter 17

Ellie

Pinayagan ako ni Ridge na ikutin ang Secret bago niya sabihing aalis na kami. Dinala ako ni Emma sa magiging opisina ko kapag pumasok na ako roon. There are three rooms, main office, there locker room and storage room. We're gonna share the room naman kaya hindi ako mag-isa roon kung sakali. Kapag daw may mga importanteng kliyente ay espesyal din ang trato, which I understand. Hindi biro ang mga presyo ng alahas at bags nila. Pwedeng-pwede na ihilera sa ibang mas kilalang brand.

Pagkaalis ay hindi kami kaagad umuwi ni Ridge. Pumunta pa kami sa kalapit na Mall at pinamili ulit ako. This time, he let me choose clothes I want to wear for everyday. Tumanggi ako noong una, but he glared at me and chose for himself. Wala na rin akong nagawa at pumili na lang. Pero sa tuwing nakikita ko ang price tag ay napapangiwi ako at sinosoli ang damit sa rack nito. Then Ridge will pick it and throw on the counter. Pinapanood niya ako. Bawat kilos at galaw ng mga mata ko, kaya mas na-conscious ako.

We went to store after store. Uupo siya sa couch at papanoorin akong mamili ng bibilhin. Kapag hindi siya nakuntento sa napili ko, magdagdag pa siya. I pursed my lips and clenched my fist, he's unstoppable. And when we get home, marami siyang pinaakyat na paperbags sa kwarto. Nats didn't even what to do when she saw the bags again. Siguro ay nasa tatlo o apat na pares lang talagang pinili ko, and Ridge chose the rest.

Tulad noong nakaraan ay tinulungan ulit ako ni Nats na magsalansang ng mga pinamiling damit ko. sa totoo lang ay nahihiya ako sa kanya. Iniisip kong baka iba na ang tingin niya sa akin. Not that I care, but I guess..I do. These things that I have, I didn't ask but Ridge threw to me. Para niya akong tinatapunan ng pera niya. Kaya imbes na makaramdam ako ng tuwa, may pait at kirot sa dibdib ko. Dati ay hindi siya iyong tipo ng lalaki na kapag may pera ay agad na iwawaldas. Marunong siyang mag-ipon, ang mga kinikita niya sa pagbabangka ay tinatabi niya para raw sa emergency at pambaon niya sa college. Ayaw niyang humihingi kay Tita Lian kahit na pilitin pa ng ina. He's very independent. Sa tingin ko nga ay sa akin lang niya binabale noon ang nakaugalian niya. He would bring me to fastfood chains than eating at turo-turo o eatery.

In our 1st monthsary, dinala niya ako sa isang restaurant. He gave me a very expensive boquet of red roses and a gift. I can clearly remember, kung paanong aksidente kong nalaman na nasaid pala ang naipon nang dahil sa mga ginastos. Kahit isa siyang scholar ay may ginagastos pa rin siyang projects sa eskwela, and he didn't want to let me know, kung hindi lang sinabi sa akin ng kaibigan niya na hindi pala siya kumakain tuwing nasa school. Eksaktong lang din ang pera para pamasahe niya at para sa akin.

I cried, nagsisi akong umiyak habang kinokompronta ko siya, dahil ayokong isipin niya na umiyak ako dahil wala na siyang pera. Umiyak ako dahil sa sakripisyong ginagawa para sa sariling kagustuhan ko. I told, it was my dream to dine in in a restaurant, to receive a boquet of flowers, to have an expensive necklace. He all gave that to me using his own penny. At para makabawi, sinoli ko sa kanya ang kwintas para mabalik ang pera niya. Huli na nang maisip kong baka na-offend ko siya, pero mas ayokong nagugutom siya nang dahil sa akin. We can eventually buy another necklace in the future—but I had never said that to him.

And now, lahat nang nadaanan ng mga kamay ko ay binibili niya. There's a satisfaction emotion that I can feel towards him, but I don't want to assume. I don't want to repeat the same mistake, for I know he won't like it.

I am excited for tomorrow dahil may trabaho akong mapupuntahan. Pagkatapos ng hapunan ay pumunta ako sa walk-in closet niya at namili ng maisusuot. This should be formal wear, since opisina iyon. Kaya pinili ko ang itim na slacks, white tube and a black blazer. I have no black shoes, ang mayroon lang ay gray stilleto, okay na rin iyon. Iyong iba kasi ay pang importanteng okasyon ang disenyo.

First HeartbreakOù les histoires vivent. Découvrez maintenant