Chapter 29

81K 2.4K 569
                                    

Chapter 29

Rica

Napabuntong hininga ako nang makita ko naman ang muling pagtayo ni Ridge at hindi mapakali habang nakabantay sa labas ng pinto ng Emergency Room. Kahit si Achilles ay nakatingin na rin sa kanyang pinsan. Palaging umiigting ang kanyang panga at namumula ang kanyang mukha. Nakakatakot siya, kaya nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihan kong huminahon.

Halos kalahating oras na rin mula nang ipasok sa loob ni Ellie, walang malay. Ang hula ko ay buntis siya ulit at si Ridge ang ama. Hindi ko man inaasahan na magbubuntis siya ulit lalo pa at ang komplikado ng relasyon nilang dalawa. Mas lalong magulo ngayon dahil may kapatid na si Shane.

I sighed. This man really loves my bestfriend. Kung pwede ngang ma-obsess ang isang lalaki sa babae ay legit itong si Ridge Castillano. Obessed siya at mahal din si Ellie. Wala pa akong nakikilalang tao na ganito magmahal, nakamamatay.

He looked hurt and happy when I told him about his child. Nadulas ang dila ko kaya ko iyon nasabi dahil sa panggugulo niya. He looked more determined but somehow may nagbago. Nobody loved my bestfriend the way Ridge loves her. His love was suicidal.

Maybe their pasts affected him so much. Hindi ko alam na may ganitong nangyari sa kaibigan ko. Nagagalit ako sa lalaking iyon. Ellie is like a sister to me. At kung sakaling makita ko ulit ang walanghiyang iyon ay masasapak ko. Hindi ko na masyadong maalala pa ang itsura niya dahil ilang beses ko lang siyang nakita, pero alam ko rin ang lihim nilang relasyon ng Tita Flor ni Ellie. He was in their house almost every night. As per like Ellie told me before. But I wasn't aware na gumagamit sila ng pinagbabawal na gamot.

Lumipas pa ang mahabang minuto ay may lumabas na babae mula sa ER. Agad akong tumayo at lumapit sa babaeng nagtanggal ng puting mask. Ridge almost covered her and throw her questions unpatiently.

"Kamusta na siya, Doc? Ang anak namin? Ligtas na ba sila?" sunod-sunod niyang tanong sa babae.

Hindi na rin ako nakapagsalita sa kagustuhang malaman ang balita.

"Sino ang asawa ng pasyente?" unang tanong ng doktora.

Sasagutin ko sana single siya at kami ang kaibigan niya pero naunahan ako ni Ridge.

"Ako ang asawa." He claimed. I was stunned and look at him. Parang hindi niya ako nakikita.

The Doctor sighed, "They are fine. The baby is okay and a normal. We did the ultrasound. The bleeding was common too, it usually occurs on her first trimester. It may vary from spotting to heavy bleeding. This is a normal part of pregnancy and there's nothing to worry about. But If she's still cramping in the next more days, you have to visit her OBGyne as soon as possible, pero sa test ko ay normal naman ang baby at ang pagbubuntis niya."

"Posible kayang dahil sa emotional stress ay nagdugo siya, Doc?" I asked.

She shook her head. "No. Emotional stress can't be a cause of bleeding. As I said, her bleeding was normal and common in her first trimester. But if she still bleeds on her second and third trimester, you have to consult a doctor as soon as possible."

"Pwede ko na ba siyang makita?" Ridge asked again.

"Yes. Hindi na rin siya kailangan pang i-confine, paggising niya ay maaari niyo na siyang iuwi."

Nakahinga ako roon ng maluwag. "Thank you, Doc."

Tumango lamang siya sa amin, "Excuse me,"

Sinundan ko muna ng tingin ang Doktora, samantalang si Ridge ay pinasok na sa loob si Ellie. Sinundan ko siya at hinanap ang kama ni Ellie. While Achilles chose to wait outside.

First HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon