Chapter 24

67.6K 2.3K 1K
                                    

Chapter 24

Ellie

Isang beses kaming nagkatinginan ni Iris. My friends were all busy chatting and reminiscing the old habit and memories. Puro tawanan at kantyawan. Naroon pa iyong mga usapan tungkol sa mga dati nilang naging girlfriend at ang mga loko, updated sa balita. Iyong iba ay may asawa at anak, at iyong iba ay umaarangkada sa kani-kanilang karera.

Nalulunod ako sa ingay ng kumakanta. They are singing OPM songs. May mga nagre-request din ng kanta. I saw Wesley writing down on a piece of tissue pagkatapos ay ibibigay sa waitress at ipapaabot sa Bokalista.

Nag-order pa sila ng beer, kami lang ni Rica ang hindi kumuha. Si Iris ay mayroon ding sariling bote. While Ridge, he's so quite. Hindi siya nagsasalita at nakikihalubilo kina Wesley, kahit kay Mark. Tahimik lang siyang umiinom sa tabi ni Iris. Damn it. Ni hindi ko makuhang tingnan nang maayos ang babaeng katabi niya. Guiltiness showered my skin. Tapos ay wala pa akong makitang pagkailang kay Iris. She look so fragile. Ang hinhin at napakaganda. She was wearing a blue sleeveless plain dress. Ang sa baywang ay humahapit at kitang-kita ang balingkinitan nitong katawan. Her long coffee brown hair has loose curls sa dulo. Soft curls. Her makeup was simple too. Bakas na bakas ang natural niyang ganda. Isama mo pa na alam naming matalino siya. She took up Architecture in U.P.

Nakangiti siya palagi habang nakikinig kina Alec, nagkukwento ng mga karanasan niya sa pagsakay sa LRT, MRT at kahit sa Bus. Ang pagpunta niya sa Singapore at ang nangyari sa kanya roon matapos harangin sa airport. Walang preno ang bibig niya.

"Ikaw, Ellie?" biglang nalipat sa akin ang atensyon nila nang tanungin ako ni Alec. Nginisihan pa niya sabay sulyap sa pwesto nina Ridge.

Napahinto ako sa pag-inom, "Ha?"

Kumuha siya ng hipon at nginuya, ang mapaglarong ngisi ay umuusbong. "'Di mo ba kakamustahin ang mga Ex mo?"

Napalunok ako. Hindi ko man tingnan ay nakita ko ang pagsandal ni Ridge sa upuan niya at alam kong nakatingin din sa akin.

"Baliw." Irap ko sa kanya. Napainom na ako.

He laughed. "Past is past na naman. Naalala mo ba si TJ? 'Yung nagalit sa 'yo pagkatapos mong makipag-break, ayun, modelo na at papalit-palit pa ng girlfriend. Balita ko, marami nang pinaiyak."

"Baka naman 'di pa rin nakaka-move on kay Ellie. Siya yata ang first love no'n e," ani Andrew.

"Ewan ko sa inyo." Sagot ko. Mas lalo akong nahihiya. That was me before. A careless girl na handang sumubok at bumitaw. Noong may sarili pa akong batas na sinusunod. A seven days trial of relationship. That was me before I met Ridge.

"Ang daya nga, palagi akong nagpapansin sa 'yo dati tapos dinededma mo lang ako. Ikaw din kaya ang first love ko!" sabi ni Alec.

"Puro ka kasi dakdak, kulang ka sa gawa," bira sa kanya ni Andrew na kinatawa naman ni Wesley at Mark.

Nilingon ako ni Andrew, "Single ka ba ngayon, Ellie?" naging sersyoso niyang tanong sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nalito ako at nahirapan sagutin ang tanong niyang iyon. Kaya hindi kaagad na nakasagot gayong ramdam na ramdam ang namumukod-tanging maiinit na mga mata sa akin.

But in the end, I nodded. Nagtuksuhan kaagad ang mga lalaki. Si Rica naman ay nginitian lang ako, saka nilingon sina Ridge at Iris. And Iris look at Ridge who's drinking his beer.

"Sa ganda mong 'yan single ka pa rin? May pag-asa na ako, sa wakas!" Alec said.

"Tumigil ka, Alec. Wala ka sa radar ni Ellie 'no. Hindi ka niya type, sorry." Asar ni Rica sa kanya.

First HeartbreakWhere stories live. Discover now